Monday , December 23 2024

VP Jojo Binay sagutin mo na lang nang deretso ang isyu ng tongpats

00 Bulabugin jerry yap jsyDAHIL sa pagkakabulgar ng overpricing at tongpats sa Makati city parking building, nagkaroon ng dilemma si Vice President Jejomar Binay.

Nababasa natin ang ipinupundar niyang depensa — hindi siya papasok sa Senate investigation dahil alam niyang dito siya kakatayin ng kanyang mga kalaban.

Hindi siya papasok sa bitag na iniuumang sa kanya ng kanyang mga kalaban sa politika.

Pero alinsunod sa kanyang sinumpaang tungkulin, siya ay mayroong pananagutang moral sa taong bayan.

Ikatwiran man niya na ang ibinabatong isyu na overpriced at tongpats ay pamomolitika (na naman!?) dahil siya daw ang pinakamalakas na contender sa panguluhan sa darating na eleksiyon sa 2016, mayroon pa rin siyang pananagutan sa sambayanan na sagutin ang nasabing usapin.

Sabi nga ng matatandang mahilig magbato ng kanilang mga haka-haka at kuro-kuro, mas appropriate na tawaging ‘BETRAYAL OF COHORTS’ ang sitwasyong kinasusuungan ngayon ni Binay.

Ang pinakabobo umanong reaksiyon dito ay magturo si Binay kung sino-sino ang iba pang nakinabang. S’yempre hindi niya ito gagawin dahil ‘yun ang magiging katapusan ng kanyang karera.

Goodbye presidential bid ang kahihinatnan niya sa ganoong diskarte.

Kaya nga ang ginagawa lang ngayon ni Binay ay magpatawag ng press conference para ilahad ang kanyang accomplishments at programa.

Pansamantala ay nakaiiwas siya pero hindi pa rin nito kayang patayin ang isyu.

Bakit hindi namamatay ang isyu?

Una, mahirap paniwalaan ang ikinakatwiran ng mga Binay na mahirap lang sila.

Excuse me po, VP Jojo Binay … ‘e kung kukuwentahin ang mga naglalabasang asset ng inyong pamilya sa social media aba ‘e pwede na kayong isama sa Top 100 Millionaires sa bansa.

Totoo rin ba ang tsismis Mr. VP, na mayroon kang alagang ibon na Crane sa inyong bahay na ang iyong ipinakakain ay Salmon?

At hindi lang basta Salmon kundi wild Salmon na sa dagat lang nahuhuli at imported pa?!

‘Yan ang masakit d’yan Mr. VP, sabi nang sabi kayo na mahirap lang kayo ‘e sa totoo lang hindi n’yo na nga mailarawan kung ano ang mukha ng mahirap.

Huwag na kayong magpaligoy-ligoy pa, sagutin ninyo ang isyung overpriced at tongpats nang deretso at huwag nang tsubibohin ang sambayanan.

‘Yun lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *