Monday , December 23 2024

Senator Grace Poe naimbiyerna na kay PNP Chief DG Alan Purisima

00 Bulabugin jerry yap jsyABA mukhang hinahamon ni Philippine National Police (PNP) chief DG Alan Purisima si Senator Grace Poe nang hindi niya harapin ang publiko maging ang ilang imbestigasyon kaugnay ng mga eskandalo at kontrobersiya na iniuugnay sa kanya.

Inihayag ito ni Senator Poe sa kanyang speech sa 2014 Integrity Summit at ginawa niyang halimbawa ang pinuno ng PNP.

Kabilang kasi sa mga inisnab ni Purisima ang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs na nag-iimbestiga sa pagkakasangkot ng mga kawani ng PNP sa mga illegal na gawain tulad ng kidnapping, drugs at iba pa.

Dumami rin ang mga pulis na mismong operator na ng jueteng.

Bigo rin umano si Purisima na tugunan ang panukala ni Poe na emergency hotline katulad ng 911 sa Estados Unidos, bilang agarang tugon sa mga kababayang nakararanas ng ano mang uri ng krimen at sakuna.

Ang ipinagtataka lang natin, sa kabila ng mga kabiguang ito bakit patuloy na ipinagtatanggol ng tatlong kolokoy na sina Secretaries Herminio “Sonny” Coloma, Jr., Edwin Lacierda at lady spokesperson Abigail Valte si PNP chief?

Gusto na tuloy natin maniwala na iba ang ‘mahika’ ni PNP chief Alan Purisima kay Pangulong Noynoy.

Kung hindi haharapin ni PNP chief Purisima ang mga eskandalo at kontrobersiyang ikinakabit sa kanya, aba e hindi na tayo magtataka kung bakit ganyan ang nangyayari ngayon sa PNP.

Hindi ba’t may kasabihang, “Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga,” at “Hindi pwedeng mamunga ng Santol ang Mangga.”

Ano sa palagay ninyo mga suki?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *