Monday , December 23 2024

MMDA chair Francis Tolentino genuine asset ng PNoy admin

00 Bulabugin jerry yap jsyISA sa mga maipagmamalaki ng PNoy administration si Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) Chairman, Francis Tolentino.

Narito ang isang opisyal ng PNoy admin na hindi overacting at lalong hindi plastic sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Genuine hands-on sa kanyang pagiging chairman ng MMDA, hindi ‘yung pang-photo ops lang (pasintabi sa tatamaan ng hagkis ng ating dila).

Nito lang nakaraang Huwebes at Biyernes (kasagsagan ng bagyong Mario), ang aga niya sa kalye. Talagang tinitiyak niya na personal niyang masusubaybayan ang implementasyon ng kanilang contingency plan sakaling tumaas ang tubig sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila.

Pero paglilinaw lang, hindi lang dahil may bagyo kaya naroon si Chairman Tolentino. Kahit walang bagyo ay ilang beses na rin natin siyang natitiyempohan na nagmo-monitor ng daloy ng mga sasakyan lalo sa mga lugar na talagang grabe ang bottleneck.

Kaya kung ating papansinin, konting-konti ang casualty natin ngayon sa bagyong Mario.

Nalungkot nga lang tayo doon sa estudyanteng nakoryente sa Gate 1 ng University of Sto. Tomas (UST). At nag-aalala rin dahil isa sa aking mga pamangkin ay d’yan nag-aaral at nagdo-dorm sa area na ‘yan.

Paging UST administration pati na rin po ‘yung ibang eskwelahan sa University Belt, aba i-check ninyo ang mga kable ng koryente ninyo. Pakiusap lang po. Maawa kayo sa mga magulang na kandakuba sa pagpapaaral ng kanilang mga anak.

Back to Chairman Tolentino, talagang isa siya sa mga hardworking na PNoy’s asset na hindi drawing kung magserbisyo sa publiko.

Hindi gaya ng iba riyan, na nakapaglabas na ng advisory para sa mga estudyante at mga empleyado ang lahat ng alkalde pero natutulog pa rin at humuhilik pa yata pati p’wet.

(Ooppss, bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit).

Keep up the good work, Chairman Tolentino!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *