WALA na yata tayong nakilalang napaka-low profile na Associate Commissioner kung hindi si Atty. Abdullah Mangotara.
Sa totoo lang, si AssComm. Mangotara ay itinalaga ni Pangulong Noynoy sa Bureau noong Mayo 2011 pa.
Walang nakakikilala sa kanya na mga outsider dahil nga sa kanyang katangian na napakatahimik magtrabaho.
Pero kung ‘yung mga taga-Immigration ang tatanungin natin … hindi lang kilala si AssComm. Mangotara kundi marami pang maririnig na positibong bagay tungkol sa kanya.
Si AssComm. Mangotara po kasi ay napaka-mild mannered. Pero kahit na tahimik at hindi palakibo, walang naiilang sa kanya na lumapit at makipag-usap.
(Hindi gaya ng isang opisyal diyan na may ‘attitude’ at laging nakasimangot mula nang umangat sa pwesto?!)
Kasi, kahit nga lagi siyang tahimik at trabaho nang trabaho lang, napaka-approachable naman niya sa BI rank and file employees.
Hindi siya magdadalawang-isip na kausapin ang mga taong nais makipag-usap sa kanya lalo na ‘yung mga humihingi ng advice o tulong.
Ibig sabihin po, sanay na sanay makipag-usap si AssComm. Mangotara sa mga tao lalo na sa mga ordinaryong mamamayan dahil dati po siyang congressman.
Dalawang termino po kasi niyang kinatawan ang Lanao del Norte 2nd District noong 1998 at 2001 sa House of Representatives.
‘Yan din ang dahilan, kung bakit, mula nang italaga siya ng Pangulo sa Bureau of Immigration ay walang naririnig na ano mang reklamo laban sa kanya.
Kaya naman hindi na tayo nagtataka kung bakit maraming taga-Immigration ang malaki ang respeto at bilib na bilib kay AssComm. Mangotara …
Asscomm. Mangotara, isang maligayang pagbati po sa iyong kaarawan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com