Friday , January 10 2025

Las Piñas City chief and assistant engineer inaabuso ang kapangyarihan?

00 Bulabugin jerry yap jsyDAHIL sa paglabag sa Republic Act 539 ng Civil Code sa ilalim ng ‘Private Property’ inireklamo ng isang residente ang chief city engineer at kanyang assistant city engineer sa Ombudsman.

Napilitan sina Mario Bunyi, ng 125 Wawa St., Alabang, Muntinlupa City na ireklamo sa Ombudsman sina Engr. Rosabela Bantog, Chief City Engineer at Mr. Christian Chan,  Assistant of the City Engineer ng Las Piñas City dahil umano sa panggigipit sa isang residente na nag-a-apply ng fencing permit.

Sa complaint-affidavit na isinumite ni Bunyi, tumatayong attorney-in-fact ni Santiago Reyes, ang may-ari ng 6,000 square meter lote sa BF Martinville, Manuyo Dos, Las Piñas City, hiniling nila sa Office of the City Engineer Building Official, na isyuhan ng permiso para simulan ang pagpapabakod pero umabot na nang Agosto 28, wala pa rin aksyon sina Bantog at Chan.

Kompleto ang requirements pero hindi pa rin sila naglabas ng permit kaya hindi masimulan ang pagpapabakod.

Nang magtungo si Bunyi sa City Engineer’s Office ng Las Piñas, sinabi ni Chan na mag-iisyu lamang sila ng temporary fencing permit kung hindi kasama ang bakanteng lote na nasa harap ng Tonquioa St., sa BF Martinville, Manuyo Dos (dating Barrio of Tungtong).

Dahil sa patuloy na panggigipit sa kanila nina Chan at Bantog, nagpasya ang kampo ni Bunyi na maghain na ng reklamo sa Ombudsman.

By the way Las Piñas Mayor Vergel “Nene” Aguilar, totoo ba ang tsismis na may sakit na kayo at naka-wheelchair kung pumasok sa city hall kaya umano malayang nakagagawa ng pang-aabuso ang mga tao ninyo d’yan sa City Hall?

Nagtatanong lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *