Thursday , December 26 2024

Jeep tumagilid 3 patay, 21 sugatan (Sa La Union)

072414 road traffic accident

LA UNION – Patay ang tatlo katao habang 21 ang sugatan sa pagtagilid ng isang pampasaherong jeep sa Brgy. Pias sa lungsod ng San Fernando, La Union dakong 8:15 a.m. kahapon.

Ayon sa ulat, galing ang naturang sasakyan na minamaneho ni Eugene Marquez, sa bulubunduking lugar ng Brgy. Baraoas patungo pababa sa sentro ng lungsod nang mangyari ang trahedya.

Sa paliwanag ng driver, hindi kumapit ang preno ng sasakyan kaya bumilis ang takbo nito palusong hanggang sa tumagilid sa palikong bahagi ng kalsada.

Dalawang pasahero ang naipit sa tumagilid na sasakyan na agad binawian ng buhay na sina Evangeline Arizobal ng Brgy. Pacpaco, at Loraine Mayo ng Bangbangolan, San Fernando City.

Habang nalagutan ng hininga sa pagamutan ang isa pang pasahero na si Helen Salcedo ng Brgy. Pacpaco dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan.

Patuloy na ginagamot sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod ang iba pang sugatang mga pasahero.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *