ISANG Airport police ang hindi na nakatiis dahil sa matinding hirap at kunsumisyon kaya lumapit na sa inyong lingkod.
Tungkol po ito sa kanyang GSIS e-CARD. Bilang isang government employee, kailangan na kailangan nila ang GSIS e-CARD sa bawat transaksiyones nila sa iba’t ibang government offices.
Pwede rin daw ito maging parang ATM. Kumbaga lagyan lang ng load at lagyan ng laman ‘e maaari nang gamitin sa iba’t ibang bayarin. At pwede rin daw makakuha ng cash loan.
Kapag nairehistro nga ang e-Card awtomatikong pwedeng i-avail ang cash advance bonus na P5,000, payable within five years.
Halos isang taon na ang nakararaan nang una niyang tangkain na kumuha ng GSIS e-CARD.
Ang kaso nagkasakit siya kaya bumalik siya noong Hulyo 2014.
Nakuha naman niya ang kanyang e-CARD. Pero nang irehistro niya ‘e INVALID pala. Kaya muli na naman siyang bumalik.
Sinabihan na naman siya na bumalik after one month, bumalik na naman ‘yung pobreng APD police.
Aba mantakin ninyong pagbalik niya, ‘e nasa Dipolog na naman daw ang kanyang e-CARD.
SONABAGAN!!!
Alam mo ba GSIS Pres. & GM ROBERT VERGARA na malaking abala sa isang government employee ang magpabalik-balik sa inyong tanggapan para lang sa isang e-CARD?!
Pagkatapos pagdating doon ‘e palpak din pala dahil kung ano-anong aberya ang napapala nila.
Ano naman ang ia-alibi ng GSIS?
Dahil sa service provider nila? O talagang hindi nila kayang i-monitor kung paano talaga naipoproseso ang kanilang e-CARD?!
Madam Ma. Ruth Carunungan, Vice-President of the GSIS Systems Development Office Information Technology Services Group, pwede bang paki-check ninyo maigi ‘yang e-CARD ninyo dahil palpak talaga.
Aba ‘e ang ganda ng press release ninyo na parang SUPER CARD ‘yang e-CARD pero sa registration pa lang PALPAK na agad?!
Ayusin nga n’yo ‘yan! Buseeet!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com