Saturday , November 23 2024

GRO binoga ng parak (Sumama sa ibang kelot)

NILALAPATAN ng lunas sa Mother and Child Hospital ang isang 22-anyos guest relation officer (GRO) makaraan barilin ng hindi nakilalang pulis sa loob ng videoke bar sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Pearlie Custodio, 48, C. San Jose Street, corner  Herbosa Street, Tondo.

Ayon kay Chief Inspector Ariel C. Caramoan, hepe ng Manila Police District Don Bosco PCP-PS1, dakong 5:40 a.m. nang barilin ng suspek ang biktima sa loob ng Ding’s Videoke Bar sa R-10, Chesa Street, Tondo.

Napag-alaman, habang ka-table ng biktima ang suspek ay pinangakuan ng GRO ang pulis na sa kanya sasama sa closing time.

Ngunit nang bumalik ang suspek sa videoke bar at naghintay sa labas, nakita niyang sa ibang kustomer sumama ang biktima.

Bunsod nang matinding selos, pinaputukan ng pulis ang biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *