GENERAL SANTOS CITY – Nalagutan ng hininga ang isang estudyante makaraan madaganan ng sinasakyan niyang bulldozer kamakalawa.
Ang biktima ay kinilala ni PO1 Muhammad Pangolima ng Malapatan Municipal Police Station, na si Maria Pablo, 16, ng Brgy. Kihan Malapatan, Sarangani province.
Ang biktima ay kasama ng apat iba pa at naglalakad pauwi sa Brgy. Kihan nang madaanan ng driver at pinasakay sa bulldozer ngunit nang nakarating sa kanilang destinasyon ay biglang nagkaproblema ang gear ng naturang heavy equipment.
Biglang umatras ang bulldozer hanggang sa mahulog at nadaganan si Pablo.
Nasa himpilan na ng pulisya ang driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (BETH JULIAN)