Monday , December 23 2024

DoTC Sec. J.E. Abaya magtrabaho kayo!

00 Bulabugin jerry yap jsyWALA nga pala si Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya kasama siya sa European tour (working visit sa Spain, Belgium, France at Germany) ni PNOY mula September 13 hanggang September 20.

Ang sama ng tiyempo, kung kailan wala si Abaya saka may lumubog na RORO (ferry boat).

Kunsabagay hindi naman ito usapin na ‘yung nandito o wala si Secretary Abaya. Ang pinag-uusapan dito ‘e ‘yung kung ginagawa ba nila ang tungkulin nila o hindi!?

Mantakin ninyong ‘yung M/V Maharlika II na lumubog sa Southern Leyte ‘e dapat pala matagal nang nagpapahinga dahil kalawangin na at bulok pa.

‘Yan po ay ayon mismo sa mga pasahero.

What the fact!?

Ito pa, ang nasa manifesto ng M/V Maharlika ay 58 pasahero lang, hindi kasama ang mga crew sa listahan pero ang nasagip nila ay mahigit sa 100 pasahero.

Ang capacity ng barko ay hanggang 480 pasahero ang sakay ay 100 plus pero ang nasa manifesto ay 58 lang?!

Hindi ba kasama ‘yan sa imino-monitor ng DoTC at ng coast guard?!

Anyare!? Bakit nakalusot?!

Natuklasan din na ang paglubog ng M/V Maharlika ay hindi dahil sa bagyo kung hindi dahil tumirik ‘este’ huminto ang barko sa laot.

Ibig sabihin, may sira ang barko nang bumiyahe. Pero dahil hindi nagtatrabaho ang DoTC, ‘e dumarating pa sa pagkakataon na kailangan maging madalas ang disgrasya sa mga RORO.

Sandamakmak ang kolorum sa land transport, puro aberya ang MRT, tapos sa dagat madalas ang lubog ng mga barko, patuloy na ‘ninanakawan’ ang subscribers ng mga telecom …

‘E ano ba talaga ang SILBI mo sa bayan Secretary Abaya?!

Puro sweldo ka lang mula sa taxpayers money pero wala ka namang OUTPUT.

Saan ba talaga kayo nanghihiram ng mga KAPAL NG MUKHA ninyo?!

Ang titigas ‘e!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *