Monday , December 23 2024

Aprub tayo sa mungkahi ni Sen. Sonny Trillanes (Spot promotion pabor sa Pinoys UN peacekeepers)

00 Bulabugin jerry yap jsyBILANG mambabatas mula sa hanay ng mga sundalo, nauunawaan natin ang rekomendasyon ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na gawaran ng spot promotion ang 40 Pinoy UN peacekeepers na nagtaya ng buhay laban sa 100 Syrian rebels sa Golan Heights nitong nakaraang Agosto 31.

Isa tayo sa mga nakahinga nang maluwag nang mabalitaan natin na natakasan ng mga sundalo natin ang Syrian rebels na kumubkob sa kanila matapos ang pitong oras na pagtatanggol sa kanilang kampo (kasama ang ibang UN peacekeepers mula sa ibang bansa).

Ang rekomendasyon ni Senator Trillanes ay idineretso niya kay Armed Forces (AFP) Chief of Staff, Gen. Gregorio Catapang, Jr.

Ipinagtanggol din ni Senator ang 40 sundalo nang ilarawan ni United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF) commander Lt. Gen. Iqbal Singh Singha, na karuwagan ang ‘pagtakas’ ng Filipino UN peacekeepers sa Golan Heights.

“Act of cowardice” daw sabi ni Singa ‘este’ Singha, kasi ang gusto niya magsalong ng sandata ang mga Pinoy para hindi raw manganib ang buhay ng Fijian peacekeepers.

Balintuwad palang mag-isip si UNDOF commander Singha. Pitong oras nang nakikipagpalitan ng putok ang mga Pinoy UN peacekeepers sa Syrian rebels dahil sila ‘yung nasa grounds, sasabihin niyang “act of cowardice?”

Lumalabas pa na habang naganganib ang buhay ng mga Pinoy UN peacekeepers, dahil sila ‘yung nasa grounds, ‘yung mga Fijian nagkakanlong sa loob ng kampo, tapos tatawagin ni Singha na duwag ang mga Pinoy?!

SONABAGAN ka ‘singa’ este Singha!!!

Sinuwerte pa ‘yang Syrian rebels dahil kung hindi naubusan ng bala ‘yung Pinoy UN peacekeepers malamang maubos sila.

Anyway, gusto nating sabihin sa ating mga sundalo na tama lang na iligtas ninyo ang mga sarili ninyo dahil mas marami pa kayong magagawa para sa bayan.

Pinasasalamatan din natin si Senator Sonny Trillanes dahil nag-initiate siya na gawaran ng SPOT PROMOTION ang ating mga sundalo.

Hindi gaya ng isang sundalong mambabatas na Sound of Silence Committee ‘ata ang pinamumunuan!?

Alam natin na hindi sapat ang SPOT PROMOTION. Pero sabi nga ng Palasyo marami pa raw silang matatanggap.

Sana nga.

Ang pinakaimportante sumailalim sila sa stress debriefing at war shock recovery.

Sa ating mga sundalo na sa Golan Heights … keep the faith and be strong …

Mabuhay ang Pinoy UN Peacekeepers sa Golan Heights.

Kudos Senator Trillanes!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *