Live in harmony with one another; be sympathetic, love as brothers, be compassionate and humble. 1 Peter 3:8
ABA, ngayon ko lang nalaman mga kabarangay na siMayor Alfredo Lim pala ang nakapagpa-dismiss ng 50 cadets ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Nangyari ito nang siya ang Secretary ng DILG noong 1999-2001. Nasangkot kasi sa isang hazing incidents ang 50 PNPA cadets class.
On record ‘yan mga kabarangay!
***
PATI pala ang dating Pangulo Erap ay nabigla nang irekomenda ito ni Mayor Lim na sipain sa akademya ang 50 kadete, masyado raw marami ang mawawalang kadete.
Katwiran ni Mayor Lim, dapat bigyang leksyon ang mga ganitong uri ng kadete na ngayon pa lamang ay mga abusado na, paano pa kaya kung maging ganap na pulis sila.
Korek na korek si Mayor Lim!
***
GANYAN ka-estrikto si Mayor Lim na nagretiro bilang Major General sa pulisya. Maging ang noo’y PNP Chief Panfilo Lacson ay bumilib kay Mayor Lim, ay nagpatupad rin ng mga reporma laban sa mga abusadong pulis.
Leadership by example ang ipinapakita ng dalawang magiting na opisyal ng ating bansa sa pulisya.
Ewan ko lang ngayon!
***
PERO ang nakalulungkot mga kabarangay, nang mawala na sa poder si Erap, ganoon din si Mayor Lim bilang DILG secretary. Umapela pala ang mga hunghang na kadete sa successor ni Mayor Lim.
Nabigyan ng konsiderasyon at nakapagtapos bilang mga bagong opisyal ng PNP. Sila ang PNPA Class Buklod Diwa 2001. Ang naturang PNPA class ang nasasangkot ngayon sa iba’t ibang uri ng kriminalidad sa ating bansa, kabilang ang EDSA hulidap nitong Setyembre 1.
Tsk..tsk…kung nakinig lang sana kayo kay Mayor Lim!
HINDI SI RIZAL ANG BAYANI NI COUNCILOR JOEL CHUA
NAGHAHABOL pa kami ng utang!
Ito ang katwiran ni Manila 3rd District Councilor Joel Chua, kaya pinayagan nila na ituloy ang konstruksyon ng 49-storey condominium na Torre de Manila sa Taft Avenue.
Mas binigyan atensyon ni Councilor Chua ang utang ng Maynlia, kaysa ang kasagraduhan ng kasaysayan ng bansa——para sirain ang imahe ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta park.
Hindi kaya, ikaw ang hinahabol konsehal?!
***
TULOY marami ang nagtatanong, sino ba talaga ang pambansang bayani ni Coun. Chua? Si Rizal ba o si Yu Feing o Mao Zedong?
Teka mas higit na tingnan siguro ngayon, kung si Coun. Chua ba ay natural born citizen o naturalized citizen?
O baka naman Chinese national ka na nagpapangap na Pinoy!
***
HINDI kasi biro ang usapin ng pagkasira ng panoramic sightline o anggulo ng momumento ng ating pambansang bayani sa Luneta. Makasaysayan ang Luneta, maraming bayani ang nabuwis ang buhay sa ating national park.
Pero dahil lamang sa kaunting kaunlaran na ibibigay ay babalewalain na ang kasaysayan at alaala ng ating bansa.
Anong konsensya meron kayo?!
***
HINDI si Coun. Joel ang magdidikta sa ating kasaysayan. Iba ang kultura ng mga Chinese sa Filipino, dahil hindi si Yu Feing o Mao Zedong ang national hero natin, si Gat Jose Rizal ang national hero ng mga Filipino.
Kaya kung walang paki si Coun. Chua sa ating bayani, mas lalong wala kaming paki sa ‘yong mga katwiran na bulok!
***
MAAARI naman umunlad ang isang lugar nang hindi isinasantabi ang kanilang heritage o pinagmulan.
Sabi nga sa isang kanta ng Pinoy folk band na Asin na may titulong Kapaligiran: “Hindi naman masama ang pag-unlad, kung hindi nakakasira ng ating kalikasan (o kasaysayn)”
Gets mo Coun. Chua?!
7-STOREY NOON 49-STOREY NGAYON!
NASILIP rin ni Senadora Pia Cayetano na 7-palapag lamang ang ipinagkaloob na permit ng panahon ni Mayor Alfredo Lim para sa konstruksyon ng Torre de Manila ng DMCI Homes.
Kaya tama lang sabihin na hindi dapat isisi kay Mayor Lim ang pagbibigay ng permit dito noong 2012, dahil walang paglabag at legal ang proseso na pinagdaanan noon. Pero ang tumututol na City Council, ay nagpasa ng resolusyon na ipatigil ang nasabing konstruskyon.
Sa magkanong dahilan?!!
***
PINATIGIL kahit 7-storey lamang ang itatayo, na kesyo kuwestyonable raw ang pagbibigay ng permit noon na kesyo maraming paglabag ang DMCI Homes. Nag-imbestiga pa ang Oversight Committee ni Councilor Chua at nakita umano nila ang mga paglabag sa ilalim ng zoning ordinance ng Lungsod.
Binalangkas nila ang Resolution No. 146 noong Nobyembre 26, 2013 o ang pansamantalang pagpapatigil ng konstruksyon hanggang walang ginagawang remedyo ang pamunuan ng DMCI.
Anong klaseng remedyo?!
***
SUBALIT, nitong Enero 16, 2014 makaraan ang ilang “cash-sunduan” ay pinayagan na nila ang konstruskyon sa ilalim ng Resolution No. 5—— pinayagan pa nila hanggang 49-floor ang Torre de Manila!
Tutol sila sa 7-storey, pero pabor sila na magtayo ng 49-storey kahit pa makasisira sa anggulo ng monumento ni Rizal.
Susme, anong lohika meron ang konseho?!
KINIGHTS OF RIZAL VS DMCI HOMES
DUMULOG na sa Korte Suprema ang mga miyembro ngKnights of Rizal upang hilngin ang pagpapatigil ng konstruksyon ng Torre de Manila na binansagan nilang Terror de Manla.
Suportado ito ni Sen. Pia dahil lumalabas sa senate inquiry na kanyang ipinatawag na maraming paglabag ang DMCI lalo na ang mga probisyon ng local zoning ordinance, na nagsasaad na paglimita sa taas ng mga gusali na nasa cluster zone ng institusyon gaya ng simbahan at mga unibersidad.
Kailan naman kaya makakasuhan ang mga Tongsehal?
Chairwoman Ligaya V. Santos