WALA na naman ibang masisi, kaya kung sino ang naglalahad ng tunay na nangyayari ‘e iyon ang sinisisi.
Lagi daw krimen ang nasa balita, pero kapag nalutas daw ang krimen hindi man lang mabigyan ng espasyo.
Hello, Mr. President, naririnig ba ninyo ang sinsasabi ninyo!?
Tagatala po kami kung ano ang nangyayari, hindi po kami ang in-charge sa peace and order kaya huwag po kami ang sitahin.
Hindi ba ninyo naiintindihan ang nangyayari Mr. President?!
‘Yung matinding holdapan, agawan ng cellphone, killer-tandem at iba pang malalang krimen ‘e talagang malaking sampal na ‘yan sa mukha ng PNP …
‘Yun pa kayang ang mismong mga suspek sa mga talamak na krimen na ‘yan ‘e mga PULIS?!
Esep-esep naman po.
Pati ba naman katotohanan na napakatalamak ng krimen sa bansa ‘e idinadaan pa sa propaganda?!
Sonabagan!
Talagang nakapanghihinayang na sandamakmak ang tao ng Palasyo sa komunikasyon pero parang hindi nagsi-sink in kay PNoy ang mga nagaganap ngayon na kabi-kabilang krimen.
Pangulong NOYNOY, subukan ninyong pagsunugan ng kilay kung paano magiging epektibo ang mga PULIS sa kanilang batayang tungkulin na protektahan ang mamamayan.
Anong ‘deterrent’ kaya ang gagawin ng Palasyo para kahit paano ay maniwala pa ang mamamayan sa social justice and social order?!
Sige nga, Pangulong Noynoy, magpakita ka nga ng galing?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com