KOMPIYANSA si Speaker Sonny Belmonte na hindi mahihirapang makalusot sa Kongreso ang hirit na joint resolution ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para matugunan ang napipintong kakulangan sa suplay ng koryente sa 2015.
Katwiran ni Belmonte, “Everyone dreads a power shortage in 2015.”
Hindi na rin aniya kakailanganing magpatawag ng special session ni Aquino ngunit dapat magkaroon ng “time management and of course good attendance” ang Kongreso.
Partikular na hinihiling ng Pangulo na mabigyan siya nang dagdag na kapangyarihan upang makapasok ang gobyerno sa kontrata sa dagdag na generation capacity.