KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang barangay tanod makaraan barilin sa ulo ng dalawang hindi nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Inoobserbahan sa Caloocan City Medical Center ang biktimang kinilalang si Amos Ilagan, 53, ng 7 Villa Maria St., Brgy. 3, Sangandaan ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong 6:30 p.m. nang maganap ang insidente sa kanto ng A. Mabini at Villa Maria Streets ng nasabing barangay.
Nakatayo ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan ng dalawang suspek at binaril siya sa ulo.
(ROMMEL SALES)