WALANG saplot na pang-ibaba ang bangkay ng isang babae nang matagpuan sa isang bakanteng lote sa Port Area, Maynila kamakalawa ng gabi.
Tanging bra lamang ang suot nang matagpuan ang biktimang hindi nakikilala at tinatayang nasa 25 hanggang 30-anyos.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcon, dakong 8:40 p.m. nang matagpuan ang bangkay sa PRA, Baseco Compound, Port Area, Manila.
Ayon kay Oliver Luna, scavenger, namumulot siya ng basura sa naturang lugar nang mapansin niya ang biktima kaya agad niyang ipinagbigay-alam sa security guard na si Rey Calagui na agad ini-report sa himpilan ng pulisya.
(LEONARD BASILIO)