Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 dalagita, ni-rape ibinugaw ng kagawad

ARESTADO ang isang 53-anyos barangay kagawad makaraan ireklamo ng panggagahasa at pagbugaw sa dalawang menor de edad sa Sta. Cruz, Maynila at Pasay City.

Nakapiit sa Manila Police District-Women  and Children Protection Unit (MPD-WCPS) ang suspek na si Arturo Garcia, taxi driver, kagawad ng Brgy. 373, Zone 37, 3rd District ng Maynila, at residente ng 2517 Karapatan St., Sta. Cruz, Maynila.

Bukod sa kasong rape at child abuse, nahaharap din si Garcia sa kasong human trafficking makaraan ireklamo ng mga biktimang sina Jocelyn, 14, at Gina, 14, kapwa residente ng Karaaptan St., Sta. Cruz, na makaraan silang gahasain ay ibinugaw rin sila ng suspek.

Napag-alaman, makaraan gahasain ay ibinugaw ng suspek ang biktimang si Jocelyn sa isang Amerikano sa halagang P7,000 sa isang motel sa Sta. Cruz ngunit P3,000 lamang ang ibinigay ng salarin sa dalagita.

Habang si Gina ay ginahasa ng suspek sa isang hotel sa Pasay City at pagkaraan ay ibinugaw rin sa isang lalaki.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …