PINUPUTAKTE tayo ng sumbong over-the-weekend kung bakit mukhang “maximum tolerance” ang pamunuan ng Manila International Airport (MIAA) sa nagaganap na “unfair selling” of prepaid cards ng Globe sa NAIA T2.
Bakit kan’yo!?
Could you just imagine na parang niloloko o hinoholdap ng nasabing counter ng Globe sa North/South Wing ng Departure Area ng terminal 2 ang mga bumibili rito ng prepaid cards na may dagdag na P20.
What the fact!?
Hindi ba dapat ay may nakapaskel na anunsiyo sa mismong transaction window na may nakasaad na may plus P20 ang bawat card na bibilhin sa kanila.
Sa pamamagitan ng anunsiyo ay maipaparating sa valued customers at travelers na may karagdagang P20 ang bawat prepaid cards na kanilang bibilhin. Hindi ‘yun kapag nagbayad ka na ay saka sasabihin sa ‘yo na may dagdag beinte pesos.
Hindi ba simpleng holdap ang sistemang ‘yan!?
Lumalabas kasing sinasamantala ng nasabing pre-paid concessionaire ang pangangailangan sa komunikasyon (load & roaming) ng mga umaalis na pasahero (lalo na ang Pinoy OFWs).
Naalala ko tuloy na ginawa rin ‘to ng Jollibee concessionaire sa NAIA T2. Nagtagumpay ang concessionaire na kumuha ng franchise ng sikat na fastfood chain sa ginawang paghihiwalay ng mga drinks at kanselasyon ng mga katakam-takam na value meal combo.
Maraming ‘pumalag’ sa airport noong una hanggang tanggapin nang pikit-mata ng mga tumatangkilik sa Filipino taste and style na Jollibee kahit may kamahalan.
Pero sana ay huwag naman sila masyadong greedy ang dating dahil mahirap ang buhay ngayon at ang P20 ay lubhang kawalan na rin sa mga mahihirap nating kababayan kahit pa sabihing airport branch ‘yan, lalo na sa mga overseas Filipino workers at pamilya nito.
Sabi nga ng maraming NAIA employees, disente lamang umano sa holdap ang ginagawa ng nabanggit na telecom stall na nadadamay ang magandang image ng Globe. Sa totoo lang po!
By the way, iisa lang daw ang anti-Filipino concessionaire nito sa NAIA T-2?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com