NABISTO ng gobyerno ng Taiwan na mayroong 200 kompanya sa kanilang bansa ang gumagamit ng recycled cooking oil sa kanilang mga restaurant.
Mabilis na kumilos ang gobyerno ng Taiwan at pinaiimbestigahan nang maigi ang mga sangkot na kompanya.
Dito sa ating bansa, hindi kaya nangyayari ‘yan?!
Sa palagay natin ay malabong hindi.
Hindi nga ba’t may isang panahon na ang dahilan ng pagbabara ng mga kanal sa Metro Manila ay dahil sa maruruming sebo ng cooking oil?!
Kung iniisip ninyo na napapraning lang tayo, ‘e nagkakamali po kayo.
Mismong mga kilalang doktor sa bansa ay nagsasabi na karamihan ng mga sakit ngayon ay mula sa ating mga kinakain lalo na nga kung ang ginagamit sa pagluluto ay saturated oil sa mga fastfood chain.
Ayon sa ilang pag-aaral, ang mantika o langis na nai-produce mula sa heat (init) ay hindi magandang gamitin sa pagkain.
Kaya nga mahigpit na ipinapayo ng mga nutritionist na gumamit ng extra virgin oil o ‘yung mga langis na nai-produce a pamamagitan ng “cold-pressed.”
Ibig sabihin ‘yung pinipiga lang. Sa pamamagitan ng nasabing proseso nanatili at hindi nagbabago ang kalidad ng langis hanggang gamitin ito sa pagluluto.
Kaya ibig sabihin, kung recycled cooking oil ang ginagamit ng mga restaurant, aba ‘e huwag na tayong magtaka kung bakit hindi maayos ang kalusugan ng mga nabibiktima ng ganitong paggamit.
Ang tanong: anong ahensiya ng pamahalaan natin dito sa Philippines my Philippines ang magkakaroon ng inisyatiba para simulan ang pag-iinspeksiyon sa mga restaurant at food manufacturer sa bansa?!
Aba ‘e huwag na kayong magturuan. Dapat nang umpisahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) ang inisyatiba para sa maayos na kalusugan ng sambayanan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com