Wednesday , March 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shipyard caretaker pinalakol kritikal (Suspek bugbog-sarado)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang shipyard caretaker makaraan palakulin sa mukha ng isang lalaki sa Navotas City kahapon ng umaga.

Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Eddie Dimakulangan, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Habang bugbog-sarado ang suspek na kinilalang si Alvin Saani, tubong Zamboanga City, at bagong salta sa nasabing lungsod, nahaharap sa kasong frustrated homicide.  Napag-alaman, habang may kinukumpuni ang biktima pumasok ang suspek, bitbit ang isang palakol at biglang hinataw sa mukha si Dimakulungan.

Nang makita ng mga kasamahan ang insidente ay pinagtulungan nilang bugbugin ang suspek bago dinala sa himpilan ng pulisya.  Nabatid na galit ang suspek sa biktima dahil lagi siyang sinisita kapag pumapasok sa compound dahil hindi siya nagtatrabaho roon.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gun poinnt

2 LGBTQIA+ binaril sa ulo, patay

PATAY na nang matagpuan ang dalawang sinabing miyembro ng LGBTQIA+ na may mga tama ng …

SM Womens Month

SM Supermalls’ 6th International Women’s Summit Honors Women’s Excellence and Ingenuity

Women leaders, advocates, and allies gather at your most loved mall, SM for SM Supermalls’ …

arrest, posas, fingerprints

2 magkasangga arestado sa kasong homicide; sumpak at bala nakumpiska

NAARESTO ng mga operatiba ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos magsagawa ng operasyon para …

Katarungan Center Deed of Usufruct Laguna Sol Aragones

Katarungan Center natugunan sa Deed of Usufruct ng Laguna 

SA PAMAMAGITAN ng isang usufruct deed, ang lalawigan ng Laguna ay pormal na nakakuha ng …

Manila Hawkers

Fire Prevention Month sa Fire Extinguisher Distribution

BILANG bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month, personal na namahagi ng mga fire extinguisher …