Monday , October 7 2024

Natapos na ang swerte ni Ricketts, naindulto pa

00 Bulabugin jerry yap jsyTILA natapos na ang swerte ni Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts matapos siyang patawan ng suspensiyon kasama ang apat na opisyal ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

At mukhang makukulong pa dahil inirekomenda ni Madam Carpio-Morales na sampahan din ng kasong kriminal ang grupo ni Ricketts partikular ang paglab ag sa anti-graft and corrupt practices act.

‘Yan ay dahil sa maanomalyang operasyon noong 2010.

Sa rekord, sinalakay ng grupo ni Ricketts noong Mayo 27, 2010 ang Sky High Marketing Corporation sa Quiapo, Maynila, na nagresulta sa pagkaaresto sa tatlong Intsik at pagkompiska ng 127 kahon at dalawang sako ng mga piratang DVD.

Pero ilang oras ang nakalipas, iniutos ni Ricketts ang pag-pull-out mula sa OMB nang walang gate pass ang mga hinakot na DVD na isinakay sa truck ng Sky High.

Sa resolusyon, dapat ipinag-utos ni Ricketts ang pagsasampa ng kaso laban sa mga dayuhan pero hindi niya ginawa bagkus, ibinalik ang mga piratang DVD na magsisilbi sanang ebidensya.

Nakitaan ng kapabayaan ng Ombudsman si Ricketts bilang OMB chief para patawan ng anim na buwan-suspensyon kasama sina Executive Director Cyrus Paul Valenzuela, Enforcement and Inspection Division (EID) head Manuel Mangubat, Investigation Agent I Joseph Arnaldo, at Computer Operator II Glenn Perez.

‘Yan po ang malinaw na nangyari kay Ricketts.

Tsk tsk tsk …

Masyado po tayong nadesmaya, dahil buong akala natin ‘e matino ang mama.

MAGKANO este ano ang dahilan Mr. Ricketts?

Nagtataka talaga tayo kung bakit nakalusot este nangyari ‘yan.

Hindi ba’t napakatapang magsalita ni Chairman Ricketts laban sa mga ilegal na namimirata ng mga DVDs/CDs?

Tuwing may sinasalakay sila na pinaghihinalaang pugad ng mga ‘PIRATA’ hindi pwedeng hindi kompleto ang media (radio, TV at print).

Ibig sabihin, pagkatapos ng RAID, dapat automatic din na magiging BIDA siya.

Aba, kung hindi tayo nagkakamali, latak pa ng PGMA administration si Ricketts at matagumpay na nakalangoy sa PNoy administration.

Suggestion lang po … dapat ay i-LIFESTYLE check na rin si Mr. Ricketts para naman magkaroon siya ng pagkakataon na linisin ang kanyang pangalan.

Ano sa tingin ninyo, Madam Kim Henares?!

BOOKIES NI PRINCE PASYA HUMAHATAW SA MAYNILA!!!
(PAGING: PNP-NCRPO)

MAKARAANG ma-estafa at takasan ang kanyang mga obligasyon sa kaliwa’t kanang intelihensiya sa iba’t ibang unit ng MPD at Manila City Hall nang mahigit isang buwan na, muling lumutang si PRINCE PASYA (dating pagador ni Apeng Sy).

Mas matindi ang pagbabalik ni PASYA dahil nag-fullblast ngayon ang kanyang 1602 operation gaya ng bookies ng kabayo, lotteng at EZ2.

Open ang latag ng mga butas ng bookies ni Pasya sa STA. ANA, PANDACAN at SAMPALOC area dahil sa ‘basbas’ ng mga nagpapakilalang bagman ng city hall na sina alias JONAT BONSAI at P-O-TRES ROBLES!

Isang retarded este retired MPD pulis na alyas ABORAT naman ang pakner-in-1602 ngayon ni Pasya.

Ano kaya ang masasabi ng mga MPD station commander na may mga butas ng bookies ni Pasya?

Everyday happy ba kayo!?

FYI MPD DD Gen. Rolando Asuncion, ipasudsod nga ninyo ang ilang lugar malapit sa Plaza Pandacan na bagsakan ng kobransa ng bookies ni Pasya.

Mukhang binubulag ka naman ng mga tulisan ‘este’ tauhan mo, General?!

1602 SA RIZAL ‘TIMBRADO’ SA KAPITOLYO AT PNP?!

Malakas ang kutob ng mga taga-Rizal na ‘timbrado’ umano sa Rizal Governor’s Squad at PNP-Rizal ang sandamakamak na video karera o devil machine na nakakalat ngayon sa bayan ng Pililla, Cainta, Taytay at Antipolo City.

Ang mga devil VK machine, ayon sa Bulabog boys natin ay inio-operate nina Rico, Jonie, Bong at Tata Rudy.

Hindi raw mamamayagpag ang mga demonyong makina na ang mga nabibiktima ay mga batang estudyante kung walang ‘timbre’ sa mga awtoridad.

Sa lungsod ng Antipolo ay may 80 pirasong devil VK machine na nakalatag sa mga barangay na may basbas din umano ng mga barangay kapitan kapalit ng linggohang payola.

Hindi rin pahuhuli ang sandamakmak na video karera ni alyas RICO sa bayan ng Pililla na ipinagyayabang niya na ‘pasok’ na raw sa chief of police at binubulag si Mayor Masikip.

Samantala sa Cainta Rizal, sina alyas LOLOY at BADJAO ang kausap ni alyas JONIE at sa Taytay ay bata naman daw ni Mayor De Leon.

Kabilang sa may basbas umano ang dalawang chief of police na kapwa malalapit kina Mayor Kit Nieto at De Leon.

Katwiran daw ng mga pulis sa lalawigan ng Rizal, kaya nila tinatanggap ang weekly payola mula sa salot na devil VK machine dahil may basbas na raw ito sa tao ni Gov. Nene Ynares na may hawak ng Governor’s Squad!?

Marami na kasing reklamo sa PNP-Rizal laban sa mga salot na makina mula sa mga magulang pero taingang-kawali lang at sa halip ay tumatanggap pa raw ng weekly payola.

Maging ang reyna umano ng video karera sa Batangas na si BRIGETTE ay kasosyo na ngayon sa mga kabayong hubo na tumatakbo sa tatlong bayan at isang lungsod sa lalawigan.

Hawak naman nina BONG, PEPING at alyas PINKYang garapalang operasyon ng JUETENG sa ilalim ng “Bingo Milyonaryo” sa Cainta, Antipolo at Taytay na may kalahating milyong kobransa kada araw.

Hindi lang daw sa PNP-CIDG-Rizal, Crame, R-2, S-2, CIDG Region 4A at sa kolektor ng Calabarzon Regional Police Office nakatimbre ang mga kabayo at “Bingo Milyonaryo” ni alias BOY KAMACHO ng Malakanyang kundi maging sa IG at NBI rin?!

What the fact!?

Kaya raw pala hindi kumikilos si S/Supt. BERNABE BALBA, Rizal PNP Provincial Director laban sa 1602 sa kanyang AOR dahil ‘meron’ pala!?

Kernel Balba, kung ‘bulag’ ka sa mga 1602 ‘e bakit may isang alyas sarhento PILI na nagpapakilalang bagman ng opisina n’yo na umoorbit sa mga 1602 operator sa teritoryo mo?

Pakisagot nga Kernel!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney laging nakaalalay kay Vico, kasama sa pagpa-file ng COC 

I-FLEXni Jun Nardo ANG gandang tingnan nina Vic Sotto at Coney Reyes nang samahan ang anak na si Vico Sotto para …

Jesi Corcuera

Transman na dating sumali sa Starstruck buntis na

HATAWANni Ed de Leon TINGNAN ninyo, iyong transman na dating sumali sa StarStruck na babae at naging …

Elections

Politika showbiz na rin sa sandamakmak na artistang tatakbo

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG masyado na ngang showbiz ang politika sa ating bansa. Maging …

Pulang Araw

Pulang Araw tagilid, anyare? (produksiyon, kuwento maganda, artista sikat)

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT iyong kumakalat na tsismis na “on the red” na raw …

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok ba mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *