Monday , December 23 2024

Publiko ubos na ang pasensiya kontra trafik jam

00 Bulabugin jerry yap jsyDESMAYADO ang maraming motorista sa muling pagbigat ng sa kahabaan ng south bound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) kahapon.

Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Metro Base, nagsimula ang matinding trapik, dakong 4:00 a.m. mula sa area ng Balintawak na umabot ng dalawang kilometro hanggang pagsapit ng alas- 6:00 a.m., kalahating kilometro na lamang ay aabot na ang dulo sa mismong Balintawak toll plaza ng NLEX.

Pansamantalang solusyon ang inilagay ng mga awtoridad na pagbukas ng counter flow lane sa north bound ng NLEX, tinanggal  ang mga concrete barrier sa bahagi ng Camachile para rito.

Pinayuhan na gamitin ang Mindano Avenue bilang exit point ng mga sasakyan patungong Metro Manila.

Nitong Biyernes, siyam na kilometro ang inabot ng trapik sa naturang lugar, na ikinairita ng maraming mga motorista.

Unang isinisi ang naranasang trapik sa ipinatutupad na one truck lane policy ng MMDA.

Pero agad nagpahayag ang pamunuan ng MMDA, na huwag isisi sa kanila ang nararanasang trapik dahil ang nasasakopan lamang aniya ng one truck lane policy ay kahabaan ng C-5 Road.

Isinisi rin ang naturang trapik sa Philippine Port Authority (PPA) at pamahalaang lokal.

Sonabagan!

Ganoon lang … sisihan nang sisihan lang?!

Paano naman hindi magiging ganyan kagrabe ang traffic, kada linggo ‘e iba na naman ang sistema?!

Mas mabuti pang ibalik na lang sa dati na gumagalaw ang sasakyan kaysa one-truck lane policy na nagiging sanhi ng sandamakmak na obstruction sa kalye.

Anong sey ninyo?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *