PINABULAANAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman na nawawala ang P5 bilyong ‘ipinagkatiwala’ sa Philippine Postal Corporation (Philpost) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (PPPP).
Walang umanong nawawala, meron lamang P1.6 bilyon na hindi pa nali-liquidate ng Philpost.
Ganoon ba ‘yun Philpost Postmaster General Josie Dela Cruz?!
Pinili kasi ng Landbank of the Philippines na maging conduit sa programang ito ang Philpost para doon sa mga benepisaryo na walang ATM.
Ibig sabihin mga benepisaryo sa malayong lugar.
Maraming benepisaryo ang nagreklamo na hindi nakararating sa kanila ang nakalaan na budget at ito nga umano ay tinatayang P5 bilyones, pero tigas na pagtanggi ni Secretary Dinky.
At tumawad pa na P1.6 bilyon lang daw ang hindi pa nail-liquidate?!
‘E saan pala napunta, Secretary Dinky and PG este PMG Josie Dela Cruz?
Aba e, ipaliwanag ninyong mabuti sa mga benpisaryo ‘yan?!
Bakit nakanganga lang sila at walang dumarating na para sa kanila?!
Hanggang kailan hihintayin ng mga benepisaryo ang nakalaan na budget para sa kanila lalo na ‘yung sinasabing P1.6 bilyon na unliquidated.
I-explain na ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com