Thursday , December 26 2024

Korupsyon sa Makati talamak (Binay spokesman umamin)

090714_FRONT

INAMIN ng tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay na talamak ang lutuan ng bidding at iba pa pang tipo ng korupsyon sa Makati sa panahon na nanunungkulan pa ang Bise Presidente bilang alkalde ng siyudad.

Ito ang binigyan-diin ni Atty Renato Bondal bilang reaksyon sa mga statement ni Cavite Gov. JOnvic Remulla sa triumvirate of corruption sa Makati na ipinahayag nito at nalathala sa mga pangunahing pahayagan.

Ayon kay Cavite Gov. Juanito Vicente “Jonvic” Remulla, alam ng grupo ni Binay ang nangyayaring katiwalian sa Makati lalo na ang lutuan ng bidding para sa mga bilyon-bilyong halaga ng proyekto tulad ng kontrobersyal na Parking Building.

Sinabi ni Remulla na walang magawa si VP Binay para pigilan ang korupsyon sa Makati dahil hindi niya kakampi ang administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang panahon na iyon.

“May de-facto Mayor sa Makati noon at siyang nagpapatakbo ng siyudad, hindi si Vice President Binay,” paliwanag ni Remulla.

Pero ayon naman kay Atty. Renato Bondal, convenor ng United Makati Against Corruption, imposibleng lumaganap ang korupsyon sa Makati nang walang go-signal ni VP Binay.

“Takot lahat ang opisyal at empleyado ng Makati kay Vice President Binay, mula Vice Mayor hanggang sa janitor. Imposibleng may makalusot na kontrata kay Rambotito,” ani Bondal.

“Palusot lang ito ng kampo ni Binay dahil durog na ang lahat ng depensa nila sa isyu ng Parking Building. Naghahanap na ng sisisihin para makaligtas sa plunder case na isinampa namin sa kanya,” dagdag pa niya.

Kasama si Bondal sa mga residente ng Makati na nagsampa ng kasong plunder sa Ombudsman laban kay Vice President Binay, Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay at ibang opisyales ng Makati kaugnay ng overpricing sa Parking Building.

Sinabi rin ni Bondal na napilitan lamang aminin ni Remulla ang talamak na korupsyon sa Makati matapos maglabasan ang ilang testigo na humarap sa Senate Blue Ribbon Committee para ilantad ang mga katiwalian sa siyudad.

Sa pagdinig ng Senado noong Huwebes, inamin ng isang dating opisyal ng Makati na hindi lamang ang kontrobersyal na Makati Parking Building ang niluto sa bidding para pagkakitaan ng tongpats kundi lahat ng proyekto sa Makati kasama na ang birthday cake para sa senior citizens.

Ayon kay Engr. Mario Hechanova, lahat ng proyektong ipinapa-bid ng Makati City Government ay ibinibigay sa mga piling kontraktor batay sa personal na desisyon ni VP Binay at hindi ayon sa itinatakda ng batas.

Inamin din ni Hechanova na tumatanggap siya ng P200,000 allowance bawat buwan mula kay VP Binay para lutuin lamang ang bidding ng mga proyekto ng Makati City Hall pabor sa mga kontratista ng Bise Presidente.

Nagsilbi si Hechanova nang 19 taon bilang opisyal ng Makati, mula noong siya ay General Services Officer hanggang ma-appoint na Vice Chairman ng Bid and Awards Committee.

Inamin ni Hechanova na may personal siyang kaalaman sa nangyaring anomalya nang ibigay ang kontrata ng Makati Parking Building sa Hilmarc’s Construction Corporation.

Bukod sa Makati Parking Building, ang nasabing kontratista rin ang gumawa ng iba pang proyektong nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso tulad ng Makati City Hall, Ospital ng Makati at Makati Science High School.

Sinabi ni Hechanova na bago umpisahan ang bidding sa Makati Parking Building, ipinatawag siya ni dating Makati City Engineer Nelson Morales para siguruhin na mapupunta ang kontrata sa Hilmarc’s Construction Corporation.

“Ipinatawag ako ni City Engineer Morales at sinabihan ako kung sino ang dapat manalo sa proyektong ito. Niluto po namin ang bidding dito,” pag-amin ng enhinyero.

Ipinaliwanag ni Hechanova, sigurado siyang ang utos ni Morales ay nanggaling kay VP Binay dahil ang City Engineer ay kilalang alter-ego ng Bise Presidente.

“Sigurado ako na utos ni Mayor (Jojo Binay) iyon dahil matagal nang kasama ni VP Binay ang City Engineer at trusted po niya iyan. Hindi gagawa ng kalokohan iyan na hindi alam ni VP Binay,” paliwanag pa ni Hechanova.

Noong isang linggo, inamin naman ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa  pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee na kumita si VP Binay ng malaking halaga mula sa tong-pats ng kontrobersiyal na Makati Parking Building.

“Kung ang Vice Mayor ay nakinabang, lalo na po ang Mayor. Imposibleng hindi nakinabang ang Mayor. Iyan po ang kalakaran sa Makati,” paliwanag ni Mercado.

Sinabi ni Mercado na nagulat siya nang malaman niya mula sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na umabot na sa P2.7 bilyon ang pondong inilaan ng Makati City Government para sa pagpapatayo ng Parking Building.

Sa kanyang pagkakaalam, ani Mercado, hindi lalampas sa P1.2 bilyon ang pondong gugugulin para matapos ang pagpapatayo ng Parking Building.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *