Kahapon Biyernes, Setyembre 05, ipinagdiwang ang ika-74 anibersaryo ng Bureau of Immigration (BI).
Ito rin ang first full year ni Commissioner Siegfred Mison sa kanyang opisyal na pamumuno sa kabuuan ng BI.
Mula sa dating pamumuno ng isang kapwa mula sa military service, nagawang ibalik nang unti-unti ni Commissioner Mison ang tunay na propesyonalismo sa isang civilian office.
‘Yung sinundan niya kasing Commissioner, trinatong tila mga sundalo niya ang mga empleyado sa BI. Pinagagalitan, sinisigawan at pinarurusahan kapag hindi maganda ang timpla ng kanyang panahon.
Si Commissioner Mison ay mula rin sa military service. West Point graduate siya pero nang pamunuan niya ang BI, mulat siya na ang tanggapan ay isang civilian office.
Unti-unting naibalik ang positive vibes sa Bureau at muling nakita ang sigla sa iba’t ibang tanggapan.
Kung magpapatuloy ang ganitong vibes sa kabuuan ng termino ni Commissioner Mison, tiyak, maraming maa-accomplish ang kanyang pamumuno.
S’yempre sa pakikipagtulungan ‘yan ng officers and officials sa Bureau.
Kudos to the men and women of the Bureau of Immigration!
Congratulations to Commissioner Fred Mison!
Again, happy anniversary!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com