Sexy Leslie,
Bakit pagkatapos naming mag-sex ng GF ko ay sinasabi niya sa akin na hindi niya ako mahal. Pero everytime na yayayain ko siyang mag-motel, pumapayag naman siya? Pakiramdam ko sex partner lang talaga ang hanap niya. QF
Sa iyo QF,
Siguro nga ay hindi ka niya talaga mahal at enjoy lang siya tuwing nagse-sex kayo. Sa panahon ngayon, wala nang imposible. Bold na ang babae sa pagsasabi ng kanilang nararamdaman lalo kung ang turing sa iyo ay sex partner lang.
Sexy Leslie,
May tatanggap pa ba sa akin at totoong magmamahal? Marami kasing nanliligaw sa akin kaya lang kapag sinabi ko na sa kanila ang aking nakaraan ay bigla na lang umaayaw. 0920-7957420
Sa iyo 0920-7957420,
Oo naman. Lahat naman kasi ay may nakalaang kapareha. Hindi man sila dumating ngayon, maaaring bukas ay kakatok na lang sila sa iyong pintuan. Better if you wait for it at ituon muna ang isip sa mas makabuluhang bagay.
Good luck!