ISANG 69-anyos na retiradong Chinoy factory owner na biktima ng kidnap for ransom ang sinabing dinukot habang pauwi pagkagaling sa kanyang pabrika at pinatay matapos maghinala ang mga kidnapper na nakipag-coordinate ang pamilya sa PNP..
Hindi makompirma kung ito nga ay KFR. Wala pa raw kasing reaksiyon ang pamilya at ang pulisya pero bigla nang pinatay ang biktima.
Ilan ang nagsasabi na magpa-PASKO kasi kaya huwag na tayong magtaka kung bakit maya’t maya na naman ang kidnapping.
Pero iba ang usapan sa Filipino Chinese business community, mag-eeleksiyon kaya buo at malakas na naman ang iba’t ibang KFR groups.
Sabi nga ni Teresita Ang-See ng Movement for Restoration of Peace and order, nasa ‘panic mode’ ang Chinese-Filipino community.
‘Yung sinasabing kidnapping na nalalaman natin, s’yempre ‘yung mga reported lang ‘yun.
‘E paano ‘yung hindi reported?!
‘Yan ang sinasabi natin … ang buong administrasyon ni Pangulong Noynoy ay nakatutok lang sa politika … puro CHARTER CHANGE (CHA-CHA).
Ang Philippine National Police (PNP) ay nagiging burara sa seguridad dahil nasanay sa sistemang ‘reactive.’
‘Yun bang tipong kung kailan lang mayroong problema ay saka lamang aaksiyon.
Hindi natin alam kung paano magtrabaho ang mga pulis na nakatalaga sa Intelligence.
Sila dapat ang nagtatrabaho para manmanan o subaybayan ang banta sa seguridad lalo na ngayong nalalapit ang BER months at ang eleksiyon sa 2016.
Paano tayo maniniwala sa sinabi ng ating Pangulo na nasa mabuting kamay ang mga ‘BOSS’ n’ya sa kamay nina SILG Sec. Mar Roxas at PNP Chief DG Allan Purisima?!
Huwag na sanang hintayin ng pambansang pulisya na magkaroon ng isang kahindik-hindik na TRENDING ng KIDNAPAN na madadamay ang malalaking negosyante sa bansa at mga pamilya nila, dahil t’yak maiindulto ang karera ng mga boss tsip ng PNP.
‘Di ba, Dir. Gen. Alan Purisima?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com