HABANG pinanonood natin ang pagdinig ng Kamara de Representantes kamakalwa sa tatlong impeachment case laban kay Pangulong Benigno Aquino III tumayo ang aking balahibo at kinilabutan tayo sa mga mambabatas na lantarang tumatayong kanyang mga ‘abogado.’
Personally, tayo man ay hindi komporme na patalsikin o gamitin ang impeachment proceedings laban sa ating Pangulo.
Gaya ng rally o demonstrasyon, na isa sanang malakas na kalasag ng mga mamamayan laban sa ano mang uri ng pagsasamantala, ang IMPEACHMENT ay ginawa na rin ‘PICNIC’ ng ilang militante.
Kumbaga, hindi lang pumabor sa kanilang mga alyado ang pangulo, gusto nang patalsikin.
Dahil sa ganyang asal, ‘e masyado nang nasalaula ang ‘IMPEACHMENT’ bilang isang aksiyong politikal na pwedeng pumutol sa pang-aabuso ng mga impeachable official ng bansa.
Kung ang mga militante ay inaabuso ang iba’t ibang uri ng political actions, ito namang mga mambabatas na mabibilis sa pagpapalit ng kulay ay hanep naman sa kapal ng mukha.
Mantakin ninyo, si Rep. Ben Evardone ng Eastern Samar, Cavite Rep. Pidi Barzaga at Rep. Neil Tupaz, Jr., ng Iloilo na dating super-sipsip-higop kay ex-PGMA ‘e p’wet naman ni PNoy ang hinihimod ngayon?!
What the fact!?
Si Evardone na nagpatulog sa Freedom of Information Bill (FOI) … ay tahasang tinawag ni Rep. Nero Colmenares na isang BALIMBING!
Tsk tsk tsk …
O ‘di ba? Certified na Balimbing, Hunyango at political opportunists.
Totoo man na hindi na “sufficient in form’ ang impeachment laban kay PNoy, pero dahil sa pagtatanggol sa kanya ng mga Balimbing boys sa Kamara ‘e baka maniwala ang taong bayan na may pinagtatakpan sila sa ating Pangulo…
Ibig sabihin natin, wala silang kredibilidad na ipagtanggol si Pnoy!
I’ll just keep my fingers crossed.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com