Thursday , December 26 2024

Secretary ng Leyte mayor, binoga sa ulo

TACLOBAN CITY – Kritikal ang kalagayan ng secretary ng mayor sa bayan ng Merida, Leyte makaraan barilin sa ulo nang malapitan ng hindi nakilalang suspek habang nagpapahinga sa kayang pwesto sa public market matapos maki-pag-inoman sa kanyang mga barkada kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PNP chief of police Eduard Moto Satorre ang biktimang si Remegio Mopon Jr., 35, residente ng Poblacion sa bayan ng Merida, bagong appointed secretary ni Mayor Antonio Martinez.

Sinabi ni Satorre, ang biktima ay nakipag-inoman hanggang madaling araw sa kanilang stall sa public market ng nasabing bayan sa kanyang mga kaibigan na mga beki.

Ayon sa mga nakasaksi, dumaan ang hindi nakilalang suspek sa mga nag-iinoman at biglang pinaputukan sa ulo ang biktima.

Makaraan ang pamamaril ay naglakad lamang palayo ang suspek na parang wala lang nangyari.

Agaw-buhay ngayon ang biktima sa isang pribadong pagamutan sa Ormoc City.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen kung may kinalaman ito sa kanyang trabaho.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *