IAAPELA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ng dalawang Filipino na hinatulan ng kamatayan makaraan masangkot sa illegal drug trafficking sa Vietnam.
Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, iaapela nila ang sentensiya sa dalawa at bibigyan sila ng legal assistance.
Sinabi ng DFA, ang mga nabanggit ay dalawa lamang sa 81 Filipino na kasalukuyang nasa death row sa Vietnam.
Sa nabanggit na bilang ay 45 ang sangkot sa illegal na droga.
Habang may kabuuang 805 ang drug trafficking cases sa buong mundo na kinasasangkutan ng mga Filipino.
(HNT)