BABALA po sa mga kababayan natin na nagpapagawa ng bahay, mag-ingat sa isang nagngangalang Victoriano Ganancial, Jr., na empleyado ng CJ Contractor.
Una sasabihin niya na kailangan magbigay ng downpayment at kapag nakuha na niya ang down payment sasabihin niya na wala na raw ‘yung down na pera dahil naloko na raw siya ng kanyang partner at wala na ‘yung perang ibinayad ng kliyente.
Babala po ito dahil ako ay biktima rin ng taong iyan. Kaya dapat ay mag-ingat po kayo sa kanya.
Si alias Jojo Ganancial ay kasalukuyan nang pinaghahanap ng NBI dahil sa kanyang mga ginawa na panloloko sa ating mga kababayan.
‘Yung mga kababayan natin na naloko ng tarantadong si Ganancial ay magsadya lamang po sa NBI upang matapos na ang kanyang kalokohan.
Dapat siyang idemanda at ipakulong ng CJ Contractor upang panagutin sa kanyang kalokohan.
MAS MAGANDANG SERBIYO PUBLIKO NI COLL. MATUGAS
Sa susunod na mga araw ay magpapatupad na ng mas magandang serbisyo-publiko si BoC-NAIA Deputy Collector ng Pair Cargo NAIA na si Coll. Francisco Matugas. ‘Yung mga nagnenegos-yo sa pair cargo ay gagawa na at makikipag-transact na lang sa bintana ng kanilang gagawin. Bibigyan sila ng mga numero para sila’y tawagin at hindi na sila makapapasok sa mismong upuan ng mga Customs appraiser at examiner in-line sa reporma na ipinapatupad ni Comm. John Sevilla sa Customs.
Kaya sorry na lang sa mga walang transaction at fixers sa pair cargo dahil bawal na kayong pumasok sa loob.
Ayon kay Coll. Matugas para na rin maiwasan at makita ang gumagawa ng kalokohan na hindi naman tagaloob ng Bureau of Customs NAIA.
Kaya niya ipinatupad ito para lalo pa niyang pagandahin at hindi malito ang transacting public at mga balikbayan.
Talagang ganyan ang reporma na ipinapa-tupad ni Coll. Matugas para sa daang matuwid na patutunguhan ng pair cargo.
Mabuhay ka Coll. Matugas, you are the best!
CONDOLENCE PO
Condolence pala sa pamilya ni DPWH Undersecretary Raul Asis dahil sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na kapatid.
My condolences, sir.
**
Tama na ang sobrang pamomolitika sa ating bansa.
Napakarami ng problema ng ating bansa, kriminalidad, MRT, LRT, insurrection at ang daming pinapatay ng riding in-tandem na hindi masawata ng PNP.
Payo lang kay Gen. Purisima ng ating kaibi-gan, luwagan po ang pagbibigay ng PTCFOR sa mga sibilyan para may panlaban naman sa kanilang mga sarili laban sa mga kriminal.
Napakaswerte ng mga kriminal ngayon, sila lang pwede magdala ng baril.
Gen. Purisima, Sir, panahon na para bigyan at luwagan ang pagrerehistro ng baril lalo na sa mga taga-media.
KUDOS NBI SI-IV ARMAN ELEAZAR
Isa sa pinakamagaling na NBI agent na nakatalaga sa Anti Organized Transnational Crime Division ang dalawang beses nang nag Aide-De-Camp na si Special Investigator IV Arman Eleazar na matikas, magaling sa pagkalap ng Intelligence info laban sa gumagawa ng mga illegal at criminal sa ating bansa.
Siya ay isang respetadong miyembro ng INC.
Inuulit po natin mabuhay ang NBI sa pamumuno ni Director Atty. Virgilio Mendez.
***
Ito lang ang masasabi ko sa bansang ito, kalimutan na natin ang benggahan kasi malayo pa ang 2016. Nagtataka lang ako sa mga politiko pero ‘di ko nilalahat, ang kakapal ng mga mukha ninyo at kayo ay inaasahan ng bayan hindi ‘yung puro interes pansarili ang nasa isipan n’yo. Ang bayan natin ang kawawa at ang maliliit ang nagsasakripisyo sa kabulastugan ng mga politiko.
Jimmy Salgado