Aries (April 18-May 13) Magagawa mong labanan ang matinding planetary energies ngayon sa pamamagitan ng pananatiling positibo.
Taurus (May 13-June 21) Huwag seseryosohin ang lahat ng matatanggap na impormasyon ngayon. Suriin muna ang bawat isa.
Gemini (June 21-July 20) Ang balita ay maaaring hindi naman panget o maaaring hindi naman totoo. Kaya huwag nang mangamba at ituloy ang normal na gawain.
Cancer (July 20-Aug. 10) Maaaring may matanggap kang hindi kanais-nais na balita ngayon. Ito ay posibleng kaugnay sa mga pagbabago sa trabaho.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maaaring ang araw na ito ay para sa mga aberya o salto. Maaari kang madesmaya ngunit sisikapin mong maging maayos pa rin ang pagharap sa trabaho.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang araw ngayon ay puno ng pakikipagsosyalan, partikular na sa pagpapalitan ng mga impormasyon.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring kailangan mo ng dagdag pang pagsusumikap para sa paglilinis sa inyong bahay. Ito ay dahil posibleng may dumating kang hindi inaasahang bisita.
Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring malipat ang iyong atensyon mula sa isang proyekto patungo sa iba. Paghandaan ang mga posiblidad.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Nagsusumikap ka para sa promosyon at para sa umento sa sahod. Magiging maganda naman ang resulta nito.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ikaw ay magiging busy ngunit magiging masaya rin ngayon. Huwag masosorpresa kung may bumisitang isang kaibigan at may dalang magandang balita para sa iyo.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Magiging matindi ang araw na ito sa iyo ngayon. Ang iyong isipan ay mapupuno ng plots na maaaring magamit sa pagsusulat ng nobela.
Pisces (March 11-April 18) Sa araw na ito ay dapat kang maging flexible kung maaari. Ikaw ay maaaring ma-distract ng balita kaugnay sa kaibigan o kasama sa trabaho.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ang bagay na sa iyong palagay ay napakahalaga ay hindi naman pala importante.
Lady Dee