Friday , December 27 2024

P-Noy masisibak na kaya?

00 bullseye batuigas
TULUYAN kayang mauuwi sa pagkasibak si Pres. Noynoy Aquino dahil sa mga kapalpakan?

Mantakin ninyong idineklara ng Lower House na “sufficient in form” ang tatlong reklamong impeachment laban kay P-Noy. Kapag dinesisyonan itong “sufficient in substance” matapos talakayin sa susunod na linggo at nakitaan ng “probable cause” para ma-impeach ang Pangulo batay sa ebidensyang iprenisinta, ay magsusu-mite sila ng “Articles of Impeachment.”

Ang dalawa rito ay kaugnay ng implemen-tasyon ng kontrobersyal na “disbursement acceleration program (DAP)” na ang ilang bahagi ay idineklarang “unconstitutional” ng Korte Suprema. Ang pangatlo ay kaugnay ng Philippines – United States Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), na nagpapalawak sa presensya ng mga sundalong Kano sa ating bansa.

Panatag ang kalooban ni P-Noy na maibabasura ang reklamo dahil kontrolado ng mga kakampi niya ang Kongreso. Pero sa panahong ito na lumalaki ang bilang ng mga nawawalan ng tiwala sa Pangulo, kabilang na ang iba niyang kaal-yado, nakasisiguro pa rin kaya si P-Noy?

Alalahaning marami ang nagalit nang mabun-yag ang pamumudmod ng Pangulo ng DAP sa mga mambabatas, na sinasabing ipinangsuhol para mapatalsik si Chief Justice Renato Corona.

Hindi rin nila nagustuhan ang agarang pagtatanggol at pagsasalba ng Malacañang sa mga damuhong opisyal ni P-Noy na pinaghihinalaang nakinabang sa pork scam at DAP. Ang akala ba nila ay tanga ang publiko, mga mare at pare ko, at hindi mahahalata ang kalokohang ito?

Maging ang mismong mga tao ng Pangulo sa communications group ay iba-iba ang sinasabi. Akalain ninyong nagpahayag si Communications Sec. Sonny Coloma na walang balak na term extension ang Pangulo, isang araw matapos sabihin ni Malacañang spokesman Edwin Lacierda na pinag-aaralan ni P-Noy ang pulso ng publiko sa bagay na ito.

Ikinagalit din ng marami nang sa isang panayam kay Lacierda ay nagpahiwatig siya ng “no elections” sa 2016. Sinalo siya ni deputy spokesman Abigail Valte at sinabing hindi raw kasi diretso ang Tagalog ni Lacierda. Kung gano’n, bakit siya ginawang tagapagsalita ng Pangulo?

Dahil sa paglaban ni P-Noy sa Supreme Court kaugnay ng DAP, nais amyendahan ang Konstitusyon para mapahina ang kapangyarihan ng SC at posibilidad na mapahaba ang kanyang termino, patuloy na pagtaas ng mga bilihin, kawalan ng trabaho ng marami, hindi masugpong kahirapan at kung ano-anong kapalpakan at marami ang may gusto, kabilang na ang Catholic Bi-shops Conference of the Philippines (CBCP), na bumaba si P-Noy sa puwesto.

Paulit-ulit na sinasabi ng kampo ni P-Noy na malaki ang inasenso ng ekonomiya ng bansa. Ang masaklap ay sila lang ang nakaaalam nito pero hindi naman nararamdaman ng masa.

Makalusot man sa impeachment at palaring matapos ang kanyang termino, marami ang naniniwalang sasapitin ni P-Noy ang dinanas ni dating Pres. Gloria Arroyo nang bumaba sa puwesto. Hindi siya tatantanan ng mga kaso hanggang maipakulong ng mga kalaban sa politika.

Tatalakayin natin ang ibang kagaguhan ng administrasyong Aquino sa susunod na labas.

Abangan!

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *