TANGING si Jesus lamang ang maaaring maglakad sa tubig, anila.Ngunit kung magho-host ka ng party, at mayroon kang pool, maaari mo itong subukan: punuin ang pool ng alinman sa cornstarch, yogurt, whipped cream, o ano mang Non-Newtonian fluid (subtances which make water less fluid).
Pagkatapos nito, maaari ka nang maglakad sa tubig. Maaari ka ring tumakbo, maglaro, tumalon, magbisekleta, o sumayaw.
Tiyak na magmimistula kang naglalakad sa tubig katulad ni Jesus. At tiyak na ito ay magiging masaya.
Ang ideyang ito ay ginamit sa commercial ng Malaysia’s Hong Leong Bank and We Are Kix para sa Mach credit card ng nasabing banko.
Sa kanilang homepage, mababatid na ang young professionals (Gen Y people) ang target ng Mach brand na maaaring kailangan o gusto ng credit card.
Bakit ito ang ginamit na ad ng banko? Sa Facebook world ngayon, ang generation Y ay maigsi na lamang ang attention span. Nagla-log sila sa Internet araw-araw, na ang halos lahat ng bagay ay sa pamamagitan isang click lamang.
At nagtagumpay ang banko sa pagkuha ng kanilang atensyon, sa pamamagitan ng viral ad na ito.
(http://vulcanpost.com)