Monday , March 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kataksilan at pagyaman

00 Panaginip
Dear Señor,

Nanaginip daw p0 ang kapatid k0. Naka-sex ng asawa nia ung pinsan ko. Anu ibg xbhn nun? Nanaginip po ako na yumaman at nanalo daw mama q na masaya kami. (09282300667)

To 09282300667,

Ang panaginip ukol sa sex ay kadalasang may kaugnayan sa psychological completion at ang pagsasama ng mga magkakasalungat na aspeto ng pagkatao ng nananaginip. Maaaring senyal ito upang mabatid na naghahanap ang pisikal na bahagi o katauhan ng init at excitement ng sex ang nananaginip . Maaaring bunga rin ito ng repressed sexual desires, hindi ito mailabas sa reyalidad kaya lumalabas ito sa panaginip na kadalasan, may bahagi o anggulong hindi maintindihan, nagsisilbing palaisipan, at hindi talaga makatotohanan. Maaaring bunga rin naman ito ng selos, pero dapat mong tandaan na ang selos ay isa sa mga rason kung bakit nagiging mabuway ang isang relasyon, lalo na kung wala sa lugar ang pagseselos. Kung wala namang basehan talaga ang ganitong panaginip, maaaring nagkataon lang ito kaya hindi na dapat bigyan pa ng importansiya.

Ang panaginip mo naman na yumaman ka ay posibleng may kaugnayan sa pride at self confidence. Ikaw ay maaaring maging matagumpay sa buhay kung magsusumikap at magiging matiyaga.

Hindi mo nilinaw kung saan nanalo ang mama mo, kung sa jueteng, sa lotto, sa contest, etcera. Anyway, ang nakita sa bungang-tulog mo na masaya kayo ay maaaring compensatory dream at kadalasan ay kabaligtaran ang kahulugan nito. Maaaring ito ay pagnanasang ma-compensate ang kalungkutan o stress sa iyong waking life. Kung ganito ang sitwasyon, kailangang iwaksi mo ang mga negatibo sa iyong buhay at gawin itong positibo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sinelas.atbp

Sinelas.atbp sumasalamin sa diwa ng kasiningan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA and mga produktong iprinisinta ng Sinelas.atbp. na pag-aari ni Ms. Amelita Revilla noong Martes, …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …