MALUBHA ang kondisyon ng isang binatilyo nang tagain ng kaalitan ang kanyang ulo na parang buko sa Navotas City, kamakalawa.
Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Aljon Buenaventura, 16, ng Bikol Area, Brgy. Tanza, sanhi ng malalim na taga sa ulo.
Arestado ang suspek na si Richard Guiniguinto, 23, ng nabanggit na lugar.
Sa ulat ni PO2 JennyLyn Manabat, ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Navotas Police, dakong 6:30 p.m. nang maganap ang pananaga malapit sa bahay ng biktima.
Nabatid na nakaasaran ng biktima ang suspek na humantong sa pananaga.
(ROMMEL SALES)