Wednesday , December 25 2024

Sentensiyador sa tupada todas sa tari ng manok (Panabong pumalag)

082914 Sabong manok

PATAY ang isang 68-anyos sentensiyador sa illegal na tupadahan makaraan aksidenteng tamaan ng tari nang biglang pumalag ang hawak na panabong sa Malabon City.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Lungsod ng Malabon ang biktimang kinilalang si Ambrosio Gonzales, residente ng #148 Sanciangco St., Brgy. Catmon ng nasabing lungsod, sanhi ng sugat sa dibdib at tiyan.

Sa imbestigasyon nina PO2 Roldan Angeles at PO1 Junny Delgado, naganap ang insidente dakong 11:20 p.m. noong Agosto 25 sa isang bakanteng lote malapit sa bahay ng biktima.

Ayon sa ulat, naimbitahan ang biktima na maging sentensiyador sa patupada ngunit habang hawak ang manok na may nakakabit pang tari nang biglang pumalag ang panabong.

Dahil sa higpit ng hawak ng biktima sa manok ay tumama ang tari nito sa kanyang dibdib at tiyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente upang matukoy kung sino ang nag-organisa ng nasabing illegal na tupadahan.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *