Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Masahista dedo sa dos por dos ng kabaro

PATAY ang isang 56-anyos masahista sa Baywalk makaraan pagpapaluin ng dos por dos ng kapwa niya masahista sa Roxas Boulevard, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Loberico Llaver, ng #589 San Lorenzo St., Malate, Maynila.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Renato Castro III, 45, ng #2466 Camachille St., Brgy. 746, Malate, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Michael Marragun, dakong 1:45 a.m. nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

“Teritoryo ko ito lumayas kayong lahat dito,” sigaw ng biktima habang nakahiga.

Sa puntong iyong biglang hinataw ng dos por dos ng suspek ang biktima at nang makitang wala nang malay ay mabilis na tumakas.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na magkaklase ang dalawa sa Manpower Development Center at sabay na nagtapos noong Hulyo, 2014.

Pagkaraan ay nagtungo sa Baywalk upang doon magmasahe.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …