Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ortilla out Reyes in sa Pasay PNP

00 Bulabugin jerry yap jsyGOODBYE na pala si Senior Supt. Florencio Ortilla sa Pasay city police bilang hepe.

At ang ipinalit o ibinalik ay si Senior Supt. Melchor ‘Batman’ Reyes.

Kung hind tayo nagkakamali ay siya rin ang sinundan ni dating Pasay police chief Sr. Supt. Rolando Llorca na sinundan naman ni Kernel Ortilla.

Kaya kung hindi pa rin tayo nagkakamali, si Kernel Reyes ay malapit na rin magretiro.

Mukhang pababaunan nang mahilab-hilab ni PNP chief, Dir. Gen. Alam Purisima si Kernel Reyes.

What the fact!?

Alam naman ng mag pulis na si Kernel Reyes ay isa sa batang-sarado ni Puring ‘este’ Purisima!?

‘E kaya marami ngayon ang naglalaway na maging Pasay police chief dahil lahat ng nanggagaling d’yan ay nagiging “made” kaagad at busog paglisan nila.

Pero ang gimik umano ni Kernel Reyes, ‘ipinatigil’ kuno agad ang mga sugal lupa.

Hindi kaya pagkatapos ng ilang linggo e mag-fullblast na rin ‘yang mga sugal lupa na ‘yan?!

Bagong pakilala? Bagong tara?

Let’s  wait and see …

ALS ICE BUCKET CHALLENGE? BAKIT HINDI YOLANDA ‘COLD WATER’ CHALLENGE NAMAN?

HINAHANGAAN ko ang maraming Pinoy na sa tuwina’y kinikilala sa ibang bansa dahil sa kanilang kahusayan sa iba’t ibang talent.

Pero minsan, nakaiirita rin ‘yung mga Pinoy na mahilig manggaya sa kung anong iniuuso ng mga banyaga.

Gaya na lang nang magsimula ang Amyotrophic lateral sclerosis (ALS) ice bucket challenge sa  Westchester.

Sinimulan ito ni Patrick Quinn, ang founder ng ALS charity na Quinn for the Win.

Edad 31 anyos si Quinn na naglunsad sa social media ng nasabing ice bucket challenge campaign sa tulong ng kaibigang si dating Boston College baseball captain Pete Frates.

Kapwa sila nakikipaglaban sa ALS o kilala rin bilang Lou Gehrig’s disease.

Ginawa nila ito para makakalap ng donasyon na kanilang gagastusin para sa pananaliksik ng nasabing sakit.

Sa pamamagitan ng ALS ice bucket challenge campaign, ang isang nominadong participant ay magbibigay ng donasyon (100 US dollar) sa halagang kaya niya saka gagawin ang ice bucket challenge.

Kapag hindi ito nagawa ng nominado, magbibigay siya ng espisipikong donasyon (malaking halaga).

Gaya ng ginawa ni Patrick Stewart na hindi nag-ice bucket challenge pero nagbigay ng malaking halaga bilang donasyon.

Ganyan po ang siste ng ALC ice bucket challenge campaign.

Inabot naman ang mga Pinoy ng ice bucket challenge na ‘yan. Marami ang gumaya at nakiuso, karamihan ay ‘yung mga celebrity at politiko na gustong lagi silang pinag-uusapan.

Ang hindi lang natin alam kung lahat ba ‘yun ay nagbigay ng donasyon.

Sana naman …

Pero ang isa pang sana  … sana naisip nila ‘yan para sa Yolanda victims.

Tapos hindi ice bucket kundi cold water challenge lang … sa mga sangkot sa PDAF scam at corrupt public officials ‘e boiling water challenge o kaya tubig galing sa baha na meron pang kasamang basura at burak!?

Sige nga, sino ang mauuna?!

Hik hik hik …

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …