HINAHANGAAN ko ang maraming Pinoy na sa tuwina’y kinikilala sa ibang bansa dahil sa kanilang kahusayan sa iba’t ibang talent.
Pero minsan, nakaiirita rin ‘yung mga Pinoy na mahilig manggaya sa kung anong iniuuso ng mga banyaga.
Gaya na lang nang magsimula ang Amyotrophic lateral sclerosis (ALS) ice bucket challenge sa Westchester.
Sinimulan ito ni Patrick Quinn, ang founder ng ALS charity na Quinn for the Win.
Edad 31 anyos si Quinn na naglunsad sa social media ng nasabing ice bucket challenge campaign sa tulong ng kaibigang si dating Boston College baseball captain Pete Frates.
Kapwa sila nakikipaglaban sa ALS o kilala rin bilang Lou Gehrig’s disease.
Ginawa nila ito para makakalap ng donasyon na kanilang gagastusin para sa pananaliksik ng nasabing sakit.
Sa pamamagitan ng ALS ice bucket challenge campaign, ang isang nominadong participant ay magbibigay ng donasyon (100 US dollar) sa halagang kaya niya saka gagawin ang ice bucket challenge.
Kapag hindi ito nagawa ng nominado, magbibigay siya ng espisipikong donasyon (malaking halaga).
Gaya ng ginawa ni Patrick Stewart na hindi nag-ice bucket challenge pero nagbigay ng malaking halaga bilang donasyon.
Ganyan po ang siste ng ALC ice bucket challenge campaign.
Inabot naman ang mga Pinoy ng ice bucket challenge na ‘yan. Marami ang gumaya at nakiuso, karamihan ay ‘yung mga celebrity at politiko na gustong lagi silang pinag-uusapan.
Ang hindi lang natin alam kung lahat ba ‘yun ay nagbigay ng donasyon.
Sana naman …
Pero ang isa pang sana … sana naisip nila ‘yan para sa Yolanda victims.
Tapos hindi ice bucket kundi cold water challenge lang … sa mga sangkot sa PDAF scam at corrupt public officials ‘e boiling water challenge o kaya tubig galing sa baha na meron pang kasamang basura at burak!?
Sige nga, sino ang mauuna?!
Hik hik hik …
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com