Monday , November 18 2024

Laban vs prostitusyon dapat ituloy ng NBI at PNP

00 firing line robert roque

DALAWANG linggo na ang nakararaan nang salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) National Capital Region ang Miss Universal Disco sa F.B. Harrison Street malapit sa panulukan ng Libertad Street sa Pasay City.

Ayon sa sources, nahuli ang club na nag-eempleyo ng dalawang menor de edad na babae. Nakakulong ngayon at hindi papayagang magpiyansa ang isang babae na tumatayong OIC ng club at isang floor manager.

Bukod sa pagtanggap ng mga dalagita bilang dancers at GROs, notorious din ang Miss Universal (MU) sa pagpapalabas ng mga babaeng nagsasayaw nang nakahubad, pag-aalok ng mga “sex gimmick” sa loob ng mga kuwarto, at pagpapa-bar fine ng mga babae na nagbebenta ng panandaliang aliw.

Ang nakapagtataka nito, sa kabila ng raid ng NBI ay patuloy na nag-o-operate ang MU, alok pa rin ang kanilang walang kamatayang “hot” entertainment.

Kahit kasi nakakulong ang OIC ay mayroon na raw pumalit. Si alyas “Rex” na anak ng isang tinatawag na “Mamsy” na ipinagmamalaki raw ang lakas niya sa isang Pasay Judge. Malakas din daw ang loob nilang magpatuloy sa dating gawi dahil protektado raw sila ng isang nagngangalang “Prince” na bagyo ang dating sa Pasay City Hall at sa pulisya.

Kung totoong malakas ang MU sa City Hall at sa Korte, papaano nga naman maipasasara kahit na gabi-gabihin pa ng NBI ang raid nila? Ang puwede lang gawin ng NBI ay manghuli ng mga ilegal na gawin sa loob ng club at irekomenda lang ang pagpapasara sa establisim-yento.

Dito natin mapatutunayan kung talagang malakas nga ang MU sa City Hall at Korte: Kapag hindi ito naipasara sa kabila ng pagkaka-rescue ng NBI sa mga menor de edad.

Sa kabila nito, hindi dapat tumigil ang NBI at maging ang Southern Police District (SPD), National Capital Regional Police Office (NCRPO), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagseguro na wala nang ilegal sa loob ng club.

***

Malakas din daw sa mga pulisya ang D’ Czar, isang club sa Roxas Boulevard, Pasay sa harap ng Cultural Center of the Philippines. Hindi raw ito kayang salakayin kahit na may mga ‘milagrong’ nangyayari sa loob ng mga VIP room at puwede rin i-bar fine ang mga babae.

Pawang bigatin daw kasi ang magkakasosyo sa negosyong ito: Si “Pablo,” anak ng dating presidente ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce sa Binondo, Maynila; isang Customs broker na may initials na “BB”; isang “Lacson”; at isang “Bot Sison.”

Dapat din sigurong masampolan ito ng NBI.

***

Sa Airport Road sa Baclaran, Parañaque naman, may ilang club na nagmamalaki na ‘kaibi-gan’ na raw nila ang Parañaque Police, SPD, NCRPO, at CIDG kaya malaya na silang makapagbebenta ng panandaliang aliw sa loob mismo ng mga VIP room o kaya sa pagte- “take out” ng mga kostumer sa mga GRO.

Ang mga club at videoke sa Airport Road: Golden Cave, White Isle, Wild Aries, Sky Island, Shane D, Sweet M, Jomarks, Monarks, GoGo, at Haya.

Isama na rin ang prosti-club na Liberty Club at Lala Land club sa Baclaran.

Kung walang katotohanan ang kanilang pagyayabang, dapat lang na patunayan ito ng pulisya.

Dapat lang din siguro itong bigyan ng pansin ng NBI. Bagay lang na maging consistent sa pag-raid nila sa MU Disco.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *