Saturday , November 2 2024

Japanese niratrat sa Antipolo (Ex-misis sabit)

PATAY ang 66-anyos Japanese national makaraan tadtarin ng bala ng riding in tandem habang naghihintay ng masasakyan kamakalawa sa Antipolo City.

Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang napatay na si Kazuki Tzuya, nakatira sa 2nd floor ng Crisostomo Building sa Sumulong Highway, Brgy. Mayamot sa lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Druja, dakong 2 p.m. huminto sa tapat ng biktima ang mga suspek sa ilalim ng footbridge sa harap ng SM Masinag, Marcos Highway at pinagbabaril si Tzuya.

Nabatid sa pulisya, ang biktima ay may nakabinbing civil case sa kanyang dating misis kaugnay sa apartment units nilang mag-asawa sa Novaliches, Quezon City.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *