Malalim ba ang dahilan kung bakit na timing sa pagkandidato ni VP Jojoemar Binay bilang Presidente ang imbestigasyong isinasagawa ng Senado kaugnay sa samot saring kuwestyunableng transaksyon, tulad ng overprice na building. Sabi ni Atty. Rene Bondal na ang anomalya ay 10 taon ng nakararaan. Hindi lamang itong iniimbestigahan ngayon. Hindi lamang yang mga cake o building. Pero kung titignan nga naman ang timing ng senate investigation. Lumalabas na may katuwiran ang pamilya Binay na ito ay politically motivated. Ang isyung ito ay usapin pa rin talaga ng pulitika at pera. Habang papalapit ang 2016 papalapit na rin ang gastusin ng mga kakandidato. Sino ang sumusuporta sa grupong ayaw kay Binay? Sino ang nasa likod nito na ayaw humarap? Mahirap paniwalaan na walang gumagalaw na perang pang suporta sa likod ng bagay na ito. Hindi ganon ka lakas ang loob ng mga detractors ng mga Binay kung walang logistics. Ito ngayon ang pinagpipiyestahan sa Senado. Ang imbistigasyong isinasagawa kay Mayor Junjun Binay ay maaring gawing leverage, ng mga may political agenda. Sa “horse trading” halimbawa, kung sino ang isasali o isasama sa line up ni Jojo Binay? Kundi man ay preparasyon sa panunungkulan na hindi elected, kung sakaling manalo nga si Jojo Binay. Hindi malalim isipin ang mga paraang ito, panahon pa bago maitatag ang Republika ng Malolos ay nangyayari na ang ganitong sistema ng pulitika sa ating bansa. Ipitan, dayaan o ilimination ay naging isang kultura ng pulitika ng Pilipinas. Kung walang usok walang apoy. Hindi maisisiwalat ang lahat ng mga anomalya sa Makati kung hindi kagimbal gimbal ang pagsasagawa nito. Lalabas at lalabas ang mga ito sa imbestigasyon (kung ganon ka seryoso o totoo ang senado at COA). Pero kailangan ipaliwanag sa taong bayan kung saan ba sila dinadala o inaakay ng kanilang lider mag mula sa pondo hanggang sa level ng pagunlad. Panagutan ang ano man katiwalian (kung mayroon). Ganyan ka simple ang pagkakaunawa ng mga mamamayan . Kaya minsan, nasasabing hindi naghihirap ang bansa natin dahil maya’t maya ay ninanakawan tayo ng mga pulitiko. Balon ng kayamanan ng mga mamamayang nagbabayad ng buwis!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com