LEGAZPI CITY – Pinagtataga ng isang mister ang kanyang misis nang maaktohan habang may ibang kasiping sa Brgy. Sampa-loc, Sorsogon City.
Kinilala ang biktimang si Melinda Janer, 39, at sinasabing kanyang kalaguyo na si Renante Malazarte, 26-anyos.
Napag-alaman, sinugod ng suspek na si Felixberto Janer Jr., 44-anyos, ang tinutuluyang bahay ng kalaguyo ng kanyang misis makaraan may magsumbong na naroroon ang kanyang asawa.
Pagdating sa lugar, naabutan niya ang dalawa na magkasiping, bunsod ng galit at selos ay pinagtataga niya ang dalawa na kapwa kritikal ngayon sa ospital.
Napag-alaman, mag-iisang buwan nang hiwalay ang misis sa kanyang asawa nang sumama ang ginang sa kanyang mas batang kalaguyo.
(BETH JULIAN)