LEGAZPI CITY – Binawian ng buhay ang isang 50-anyos lalaki makaraan atakehin sa puso habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang motel sa Camarines Sur.
Kinilala ang biktimang si Jose Osio, residente ng Brgy. San Juan, bayan ng Libmanan, na-sabing lalawigan.
Sa salaysay ng babae na itinago sa pangalang Vivian, 30-anyos, hiwalay sa asawa, resi-dente ng Brgy. South Centro-Sipocot, nagulat na lamang siya nang makitang hindi umiimik at nanlalamig na ang biktima.
Bunsod nang pagkataranta, kumuha siya ng tubig at binuhusan ang biktima saka humingi ng tulong sa mga empleyado ng lod-ging house na kanilang tinuluyan.
Nadala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.