CEBU CITY – Sa pama-magitan ng Psychology class, naisiwalat ng isang 17-anyos dalagita ang ginawang panggagahasa sa kanya ng kanyang sariling ama sa ba-yan ng Cordova, sa lungsod ng Cebu.
Ayon sa biktimang si Anna, simula Hunyo nitong taon ay naging sex slave siya ng sariling ama ngunit natatakot si-yang magsumbong sa pulis dahil baka siya ay patayin.
Dahil dito kaya kinikimkim na lang ng biktima ang umaapaw na galit ngunit noong nakaraang Huwebes, nagkaroon ng pagkakataon sa class reporting na ilahad ng mga mag-aaral ang kanilang hindi malilimutang karanasan sa buhay.
Sa puntong ito, ibinunyag ng biktima ang sinapit mula sa kamay ng ama na isang crane operator.
Namangha ang buong klase gayundin ang guro kaya agad silang dumulog sa himpilan ng pulisya.
Nakakulong na ang suspek na aminadong ginahasa niya ang anak.
Ang naturang ama ay hiwalay sa kanyang asawa at pinaaaral ang anak sa kolehiyo.