Monday , November 18 2024

The hard working NBI and Media pinapurihan!

00 parehas jimmy

PINAPURIHAN ang magagaling at magigiting na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pamumuno ni Director Atty. Virgilio Mendez dahil hindi matatawaran ang kanilang magagandang accomplishments sa buong NBI.

Nakatanggap ng award si Director Atty. Virgilio Mendez at mga major award na pinangunahan ni SI Atty. Rizaldy Rivera ng Chief Investigation Division at ganoon din ang Anti-Organized and Transnational Crime Division sa pamumuno ng matitikas at elite unit ng NBI sa pangunguna ng kanilang hepe na si Atty. Rommel Vallejo at Executive Officer Jerry Aviera kasama ang buong team ng AOTCD.

Ganoon din si Atty. Joel Tuvera, hepe ng Death Investigation Division ng NBI at si Special Investigator III Robert Joel Ajero at iba pang matataas na opisyales ng NBI.

Ganoon din si Deputy director Atty. Edmund Arugay ng Finance Service.

Ang DID ang nag-iimbestiga sa mga sensational crime na sila ang nakareresolba at ibang-iba kapag kumilos sila dahil laging solve ang kaso at siguradong masasampahan ng kaso ang mga gumagawa ng karumal-duaml na krimen. Kaya naman nakatanggap din sila ng award sa VACC.

D’yan natin makikita na ang NBI ay nagtatrabaho nang tapat para sa bayan at marami rin mga opisyales ang binigyan ng award at pinapurihan ng VACC kagaya ng Supreme Court, Department of Justice at iba pa.

Ganoon din si Atty. Max Salvador, Regional Director ng CEBU-NBI, Atty. Thomas Enrile, Asst. Regional Director ng Region V at si NBI Deputy Director Atty. Antonio Pagatpat.

Sila ay talagang karapat-dapat na mabigyan ng award at nakita naman natin kung gaano kahirap magtrabaho ang NBI at napakataas ng kanilang trust rating sa publiko.

Pinapurihan din ang mga hardworking na mga media personality kagaya ni outstanding radio reporter na si Carlo Mateo na napakabigat ng kanyang ginagampanan sa DZBB, ganoon din ang Outstanding Television News Reporter na si Jasmine Romero ng ABS-CBN, kasama rin sa binigyan ng award ang Teleradyo Program anchor na si Anthony Taberna at Gerry Baja. Nabigyan din ng award ang investigative reporter na NBI lady na si Nancy Carvajal ng Philippine Daily Inquirer, ganoon din din si Noel Alamar Radio Reporter ng ABS-CBN na nakakuha ng Outstanding Radio News Reporter.

Siyempre ang ating kaibigan na si George Cariño ng ABS-CBN, at ang photographer na binigyan ng award ay si Edgardo Gumban ng Philippine Star na talagang magaling kumuha ng retrato ganoon din ang iba niyang kasamahan.

Sina Arnold Clavio, Ali Sotto, Ted Failon, Noli De Castro, Korina Sanchez, at Tulfo Brothers na si Raffy, Erwin, at Ben.

Ang solar TV news Reporter, kasama rin si Jun Lingcoran, Marissa Del Mar, Tina Santos ng PDI at iba pa.By the way, bakit walang taga-tabloid na nabigyan ng parangal?

Ganoon din ang CIDG, AIDSOFT at si Atty. Persida Acosta ng PAO.

Mabuhay kayo at ipagpatuloy ang magandang ginagawa para sa ikaayos ng ating bansa.

Mabuhay ang mga hardworking media people at NBI.

Inuulit ko mabuhay lahat ng nabigyan ng award ng VACC kasama ang mga ‘di nabanggit sa espasyong ito.

God bless us all.

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *