MUKHANG iba ang ‘interpretasyon’ sa ipinatutupad na “Bureau of Immigration (BI) Cares” program ni Comm. Fred Mison ng isang Ms. Navarro ng BI-TCEU sa NAIA.
Nitong nakaraang linggo, may isang lady passenger na paalis ng bansa via NAIA Terminal 1 bound for Dubai.
Alam natin na kung pupunta ngayon sa Middle East, dapat tiyakin na complete ang travel documents, plus visa and letter of sponsor, including invitation letter na requirements sa departing Filipino passengers.
Mula sa Immigration Officer (IO) sa departure counter ay ‘ibinato’ ang lady passenger sa TCEU para sa secondary profiling.
Ngunit ang nangyari, imbes interview ay interrogation yata ang ginawa ng isang TCEU Navarro dahil more than 60 minutes na inusisa at hinanapan ng kung ano-anong dokumento ang pobreng pasahero na mukhang ‘pinag-tripan’ lang yata!?
Heto na. Lingid sa kaalaman ni TCEU Navarro, ang pasahero ay pamangkin ng asawa ng isang mataas na opisyal ng gobyerno at may kasama na nagsisilbing airport staff ng high government official na nagmamasid lamang sa kalayuan.
Minabuti ng staff na huwag samahan ang pasahero dahil nga bawal lapitan ang mga ini-interview na outbound passengers ng TCEU.
Hanggang isang BI Intel ang nakakilala sa airport staff ng government official at nagtanong kung sino ang hinihintay niya. Itinuro ng staff ang babaeng nakaupo na ini-interrogate ni TCEU Navarro.
Agad nakapagkomentaryo ang Bi Intel na, “kanina pa ‘yan huh!”
Oo nga ang tugon ng airport staff. Tinanong kung sino ba ang pasahero at nang malaman na niece ni gov’t official ay nilapitan ni Intel si TCEU Navarro saka binulungan …
Biglang nataranta si TCEU Navarro at sinabihan ang pasahero na: “Bakit ‘di mo ako sinenyasan o nag-name drop ka na lang?”
What the fact!?
Sinisi pa ni TCEU Navarro ang pasahero at tinuruan pang mag-name drop!
Anak ng tokwa!!!
Nagdudumaling ipina-photo copy ang mga papeles ng lady passenger saka binitiwan.
Commissioner Siegfred Mison ganyan magpatupad ng “BI Cares” ang ibang tauhan ninyo.
Akala natin ‘e matatalino ang mga taga-TCEU? Mukhang ‘disgrace’ sa bureau ang katulad ni TCEU Navarro na para bang suspect kung ituring at usisain ang lady passenger.
Hindi kaya nagpa-power trip si Navarok ‘este’ Navarro!?
BI-NAIA TCEU Head Atty. Floro Balato, dumaan ba sa tamang training at profiling ang nagpapa-bright- bright na si TCEU Navarro?
Hindi kaya nagkamali ng pinasukang trabaho si Navarro? Dapat yata sa kanya ay imbestigador ng SOCO!?
Atty. Balato, hindi ba malalaman sa hitsura at passport ng pasahero kung prospective tourist worker o genuine tourist?
Hindi ba dapat ay depende sa proper documents as a requirement if you will allow or not ang isang Middle East bound passengers?
Hindi ‘yung whom you know or whom your connections? Unfair yata TCEU Navarro sa mga kababayan natin ang ganoon na walang koneksiyon sa gobyerno.
Ilang pasahero na kaya ang naperhuwisyo ni TCEU Navarro sa airport?
Kawawa naman ang mga pasaherong dadaan sa kanya. Ano kaya’t mangyari ang ginawa niyang ito sa kapatid o kamag-anak niya?
Ano kaya ang iisipin at mararamdaman niya?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com