Saturday , December 14 2024

Aging Hari ng Sakla sa CaMaNaVa nasa Maynila na!

00 Bulabugin jerry yap jsyMALAKI na talaga ang ipinagbago ng Maynila …

Mula sa dating nakalulusot na operasyon ng 1602 sa lungsod, ngayon ay tila laging fiesta ang iba’t ibang uri ng illegal gambling sa lungsod.

Kung dati ay fiction ang binanggit ni Dan Brown na “gates of hell” ang Maynila … ngayon ay nagdudumilat na katotohanan na ito!

Ang buong area of responsibility ng Manila Police District police stations 1 & 2 ay tila opisyal nang tahanan at latagan ng illegal gambling operations ng HARI NG SAKLA na si AGING.

Sonabagan!!!

Mantakin n’yong sa administrasyon pa ni Erap nakapasok ang sakla ni AGING na noon ay sa CAMANAVA lang nag-o-operate?!

Sabi nga, ang Maynila ngayon ay isa nang OPEN CITY para sa illegal gambling.

Kung dati ay itinatago pa ang bookies at video karera ngayon ay lantad na ang mga operasyon nito.

Kung noon, ang mga police ay nagmo-moonlight bilang taxi driver o ahente ng kung ano-anong produkto o serbisyo, ngayon may ilang pulis na hindi natin alam kung kanino nanghihiram ng kapal ng mukha, dahil operator na rin ng video karera, bookies at jueteng.

MPD district director Gen. Rolando Asuncion, kahit itanong mo pa raw kina BONG KRUS at TATA ROBLES kasi kayang-kaya raw nilang patotohanan ‘yan.

As the old saying goes … law enforcer, law breaker …

Kahit itanong pa ulit ninyo kay alyas GENBOB ng City Hall!

MARTSA KONTRA PORK BARREL PINASOK NA NAMAN NG MGA OPORTUNISTA

PASINTABI sa mga dalisay na nagmamahal sa kalayaan ng bayan …

Pero ito lang po ang gusto nating punahin sa isasagawang anti-pork barrel rally ngayon.

Naniniwala ako na mayroon ilan d’yan na wagas ang layunin pero t’yak mas marami ‘yung nagsusulong ng kani-kanilang pansariling interes.

Ibig natin sabihin, mag-ingat ang ilang kababayan natin na lalahok d’yan sa anti-pork barrel rally, dahil marami riyan may agenda na para sa 2016 elections.

‘Yung unang anti-pork barrel, naniniwala tayo sa kawagasan ng agenda no’n.

Kaya nga bilang national chairman ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) ay sumama tayo d’yan sa Luneta noon.

Pero ‘yung mangyayaring martsa ngayon, mukhaan po ninyo … nariyan ‘yung mga gusto nang lumundag mula sa papalubog na bangka ni PNoy, pero sa banda ng huli ay sila rin ang sasagip.

Hindi tayo magtataka kung nariyan ‘yung dalawang presidential uncles na sumusuporta kay Vice President Jejomar Binay …

Pwede rin sinusuportahan talaga nila si Binay pero hindi para sa bayan kundi para sa interes ng kanilang angkan?

Isa pang kasabihan: walang kai-kaibigan, walang kama-kamag-anak kapag kailangan nang manglansi ng mga botante para sa 2016 …

Ibig sabihin, maging matalas po tayo sa mga tunay na political opportunists.

BI-NAIA TCEU NAVARRO LAGPAK SA BI CARES PROGRAM NI COMM. MISON

MUKHANG iba ang ‘interpretasyon’ sa ipinatutupad na “Bureau of Immigration (BI) Cares” program ni Comm. Fred Mison ng isang Ms. Navarro ng BI-TCEU sa NAIA.

Nitong nakaraang linggo, may isang lady passenger na paalis ng bansa via NAIA Terminal 1 bound for Dubai.

Alam natin na kung pupunta ngayon sa Middle East, dapat tiyakin na complete ang travel documents, plus visa and letter of sponsor, including invitation letter na requirements sa departing Filipino passengers.

Mula sa Immigration Officer (IO) sa departure counter ay ‘ibinato’ ang lady passenger sa TCEU para sa secondary profiling.

Ngunit ang nangyari, imbes interview ay interrogation yata ang ginawa ng isang TCEU Navarro dahil more than 60 minutes na inusisa at hinanapan ng kung ano-anong dokumento ang pobreng pasahero na mukhang ‘pinag-tripan’ lang yata!?

Heto na. Lingid sa kaalaman ni TCEU Navarro, ang pasahero ay pamangkin ng asawa ng isang mataas na opisyal ng gobyerno at may kasama na nagsisilbing airport staff ng high government official na nagmamasid lamang sa kalayuan.

Minabuti ng staff na huwag samahan ang pasahero dahil nga bawal lapitan ang mga ini-interview na outbound passengers ng TCEU.

Hanggang isang BI Intel ang nakakilala sa airport staff ng government official at nagtanong kung sino ang hinihintay niya. Itinuro ng staff ang babaeng nakaupo na ini-interrogate ni TCEU Navarro.

Agad nakapagkomentaryo ang Bi Intel na, “kanina pa ‘yan huh!”

Oo nga ang tugon ng airport staff. Tinanong kung sino ba ang pasahero at nang malaman na niece ni gov’t official ay nilapitan ni Intel si TCEU Navarro saka binulungan …

Biglang nataranta si TCEU Navarro at sinabihan ang pasahero na: “Bakit ‘di mo ako sinenyasan o nag-name drop ka na lang?”

What the fact!?

Sinisi pa ni TCEU Navarro ang pasahero at tinuruan pang mag-name drop!

Anak ng tokwa!!!

Nagdudumaling ipina-photo copy ang mga papeles ng lady passenger saka binitiwan.

Commissioner Siegfred Mison ganyan magpatupad ng “BI Cares” ang ibang tauhan ninyo.

Akala natin ‘e matatalino ang mga taga-TCEU? Mukhang ‘disgrace’ sa bureau ang katulad ni TCEU Navarro na para bang suspect kung ituring at usisain ang lady passenger.

Hindi kaya nagpa-power trip si Navarok ‘este’ Navarro!?

BI-NAIA TCEU Head Atty. Floro Balato, dumaan ba sa tamang training at profiling ang nagpapa-bright- bright na si TCEU Navarro?

Hindi kaya nagkamali ng pinasukang trabaho si Navarro? Dapat yata sa kanya ay imbestigador ng SOCO!?

Atty. Balato, hindi ba malalaman sa hitsura at passport ng pasahero kung prospective tourist worker o genuine tourist?

Hindi ba dapat ay depende sa proper documents as a requirement if you will allow or not ang isang Middle East bound passengers?

Hindi ‘yung whom you know or whom your connections? Unfair yata TCEU Navarro sa mga kababayan natin ang ganoon na walang koneksiyon sa gobyerno.

Ilang pasahero na kaya ang naperhuwisyo ni TCEU Navarro sa airport?

Kawawa naman ang mga pasaherong dadaan sa kanya. Ano kaya’t mangyari ang ginawa niyang ito sa kapatid o kamag-anak niya?

Ano kaya ang iisipin at mararamdaman niya?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Sylvia Sanchez

Sylvia noon pa ‘nililigawan’ pagpasok sa politika

RATED Rni Rommel Gonzales HALAKHAK ang unang isinagot sa amin ni Sylvia Sanchez nang tanungin kung totoo …

Judy Anne Santos

Judy Ann detox ang sikreto kaya sumeksi

RATED Rni Rommel Gonzales NAKABIBILIB ang dedikasyon ni Judy Ann Santos sa pagpapanatili ng kanyang magandang pangangatawan. …

Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

LT pinuri ni Atty Joji, namangha rin kay direk Chito

MA at PAni Rommel Placente ANG Quantum FIlms ni Atty. Joji Alonzo ang producer ng Espantaho, na bida sina Judy Ann …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *