Sunday , November 17 2024

Kudos S/Insp. Rolando Lorenzo, Jr., ng QCPD-AnCar

00 Bulabugin jerry yap jsyMULING ipinamalas ni Senior Insp. Rolando Lorenzo, Jr., hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit Anti-Carnapping Investigation Section, ang kanyang dedikasyon at determinasyon sa trabaho nang maaresto ang tinaguriang carnap king na si Mac Lester Reyes at iba pa niyang kasamahan.

Naaresto ang ‘carnap king,’ lider ng Mac Lester Reyes carnap group na kumikilos sa Metro Manila at karatig lalawigan, matapos ang tatlong araw na operasyon nina Capt. Lorenzo sa Malabon City, Caloocan City, Quezon City at lalawigan ng Quezon.

Bukod sa pagkaaresto sa 37-anyos na si Mac Lester Reyes, 37, nadakip din ang live-in partner niyang si Richell Sibug, 30; at mga tauhan na sina Armando Dela Cruz, 26, auto techinician; Alvin Ganac, 19, helper; Pablito Gumasing, 34; at Macario San Diego, 23, technician.

Hindi na tayo nagulat sa performance ni Capt. Lorenzo.

Siya ang dating hepe ng Manila City Hall detachment at hindi mabilang ang malalaking operations laban sa kriminalidad ang kanyang pinangunahan.

Ngayong siya ay nasa team ni Chief  Supt. Richard Albano, QCPD District Director, naniniwala tayo na mas lalo pang sisigla ang iba’t ibang kampanya nila laban sa kriminalidad.

Hindi matatawaran ang mahabang listahan ng mga achievement ni Capt. Lorenzo sa Manila City Hall Police Office, na nagpapatunay sa kanyang kalibre bilang isang bata at idealistic na police na sa tuwina’y hangad na maproteksiyonan ang mga mamamayan sa ilalim ng kanyang area of responsibility.

Mabuhay ka Sr. Insp. Rolando Lorenzo, Jr.!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *